Kiry's Pov:
Maya-maya pa ay bumalik na din sila Kim at kasama na sila Ashley.
"Oh kamusta? Nahuli ba yung taya?", tanong nya.
"Ha?", tanong ni Jeng.
"Tsss.. Wala! Ang hina nyo naman!", sabi nya ulit at umupo na.
Umupo na din sila at nakumpleto na kami sa table. Napatingin ako kay Ashley at Jeng. Ang hirap palang maipit sa gantong sitwasyon.
"Ehem... uhm... Ashley..", panimula ko. Nakuha ko naman agad ang atensyon nya.
"Mmmm?", sabi nya at matipid na ngumiti.
"About sa kanina.. Sorry nga pala.. Dapat-".
"Naku wala na yon. Wag mo na intindihin yun.. Naging OA lang ako", sabi nya.
Mag so sorry pa sana ulit ako nang biglang may tumugtog na fast music at nagsalita ang adviser namin sa harap.
"Ok students, maya maya lang ay ibibigay na naten ang mga award para sa gabing ito. Excited na ba kayo?", sabi nya kaya naman nag hiyawan ang mga estudyante.
"Pero bago yan, meron munang inihandang malupit na performance ang mga teacher nyo. Gusto nyo ba silang makitang sumayaw?!", sabi nya na naging dahilan para mas humiyaw sila at sumigaw ng "opo".
"Ok! Get ready! Dahil andito na ang ating naggagandahan at naggagwapuhang mga guro!".
At ayun na nga, naghiyawan na sila. Nakakairita ang ingay nila kaya sumenyas akong pupunta muna ako sa banyo.
Pagdating ko sa banyo ay sumunod pala sakin si Jake.
"Oh? Bat ka sumunod?", tanong ko.
"Wala. Naiihi din ako eh", sagot nya.
"Ahh... Di naman ako naiihi eh", sabi ko at naghugas ng kamay.
"Ahh maghuhugas ka lang ng kamay?", sabi nya habang naghahanda sa pag ihi.
"Hmmm.. Hindi naman. Ang ingay kase sa labas, boi".
"Ahh.. Pagtapos naman nun, awarding na tas uwian na, diba?".
"Oo".
"Sabay ba kayo ni Amara uuwi?", pagkasabi nyang yon ay nilingon ko sya with a tiger look.
"Hahahha! Easy pre! Selos ka agad eh. Tinatanong ko lang kase baka mamaya sabay sila Kim... Gusto ko sana kaseng ihatid si Kim", sabi nya at lumapit sa lababo para maghugas din ng kamay.
"Ahh..", sabi ko na lang.
"Bat kase di mo pa aminin?", tanong nya.
"Ang ano?", tanong ko pabalik habang nagpa pagpag ng kamay.
"Yang nararamdaman mo para kay Amara? Mukha namang gusto ka din nya eh", sabi nya.
Napahinto ako sa pagpagpag at nag isip.
"Bahala ka boi.. Ikaw den, mahihirapan ka lang kakaselos mo", sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Or worse.. baka maunahan ka pa ng iba", sabi nya at tinapik ako sa balikat saka umalis.
Naiwan akong nagha hang. Napa iling ako at inayos ang damit ko. Hmm.. May point nga si Jake.
Lumabas na ko ng banyo at paglabas ko ay tapos na ang performance ng mga teachers at nag uumpisa na ang awardings.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...