Jane's Pov:
Nasa court na kami at nag uumpisa na rin ang program. Pinapanood namin ang iba't ibang performances mula grade 7. Katabi ko sina Kim at Kiry.
Nagpapawis at nanginginig ang kamay ko sa kaba. Hay naku! Mas kinakabahan ako ngayon, wala kong salamin.
Napatingin ako kay Kiry nang hawakan nya ang kamay ko.
"Relax ka lang kase.. Bat ba sobrang kinakabahan ka?", tanong nya.
Huminga ko nang malalim bago sumagot.
"Siguro kung may salamin ako, mas kalmado ako ngayon".
"Eh bat kase di mo susuotin yun?", tanong nya.
"Eh sabi kasi ni Maam eh. Wag na daw, baka masira pa".
"Tssss! Edi yung play naman yubg nasira pag di mo yun sinuot. Tsaka bat naman masisira? Nakapag practice nga tayo ng suot mo yun", sabi nya.
Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa iba. Pero napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita sya.
"Relax ka lang dito ah".
Tinangka nyang tumayo pero napaupo sya nang tanungin ko sya.
"San ka pupunta?".
"San pa? Edi kukunin ko yung salamin mo. San ba nakalagay?".
"Ano ka ba?! Wag na! Susunod na tayong magpeperform".
"Kaya nga sabihin mo na kung asan para makuha ko na agad".
"Wag na Kay. Patapos na sila oh. Mamaya ma late ka pa ng dating".
"Akong bahala! Magtiwala ka lang. Ha?", sabi nya ng nakangiti at kumindat pa. Yung totoo, bat ba kailangan mo pa kumindat? Tadyakan kita eh!
"Bilisan mo ah!", sabi ko sa kanya. Tumango lang sya at tumakbo na paakyat.
Nako! Sana makaabot ka Kay!
"San pupunta yun? Susunod na tayo ah?", bulong ni Kim.
"Kukunin nya daw salamin ko. Sabi ko nga wag na eh. Sana umabot sya".
"Naku! Nagpa knight and shining armor pa talaga ah!".
"Hay naku! Ewan ko sa yo".
Palingon lingon ako sa likod at nagbabakasakaling makikita na sya hanggang sa nagpalakpakan na ang mga tao dahil natapos na pala ang performance ng grade 9.
"Oh guys tayo na next".
"Tayo na kayo".
"Asan na si Kiry?".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
