Chapter 29: Acceptance

44 11 0
                                    

Jane's Pov:

"Ano ba naman yan class? This Friday na ang performance tas ganyan ang ipapakita nyo? Anong nangyari sa general practice nyo nung Sabado? Tsk tsk tsk.. I am very disappointed", sabi ni maam at umalis.

Tahimik ang lahat dahil sa nangyari. Kahit ako di makakibo. Totoo naman din kase yung sinabi nya, hindi ganon kaayos yung pinakita naming performance sa kanya.

Sumunod si Stacy kay maam pero ilang saglit lang din ay bumalik sya nang umiiyak.

"Uy Stacy?", bungad ni Kim pagkakita kay Stacy.

Hindi ito pinansin ni Stacy, instead, nagdirediretso sya sa upuan nya at yumukod sa arm chair.

"Hala ka!".

"Anyare Stace?".

"Ok ka lang?".

Isa isa nang lumapit ang mga kaklase ko sa kanya. Hindi ko magawang lumapit. I felt guilty sa nangyari. Siguro kaya ganon yung naging resulta ng practice performance namin dahil sa sitwasyon namin ni Kiry.

Di ko na din kase alam ang mga nangyari pagkaalis ko sa bahay nila Stacy eh.

Nagpunas si Stacy ng luha nya at tumayo sa harap sa tabi ng desk ni maam.

"Umupo na nga kayo sa mga upuan nyo", sabi nya kaya bumalik na sila sa upuan nila.

"Ano? Galit na naman si maam. Ito na ata huling performance naten na magkakasama tas ganon pa ipapakita naten? Bat ba kasi di naten magawa ng maayos? Ano ba problema?", ika ni Stacy.

"Ano tas di kayo sasagot? Kayo Kiry at Amara? Magkaayos na nga kayo. Pati yung performance natin naaapektuhan eh", baling nya samin.

"Sabihin nyo lang kung ayaw nyo nang magperform. Atlis di tayo magkakalat diba?", sabi nya at nag walk out.

Naku ano ba naman toh? Parang ang sama sama ko. Lahat sila nakatingin saming dalawa. Hiyang hiya na ko.

Lumabas ako ng room at umakyat sa pinakamataas ng floor ng building namin.

Humarap ako sa malawak na tanawin at nag isip.

Ano ba tong nangyayari? Kasalanan ko toh eh. Dapat kinausap ko sya. Dapat inayos namin yun. Edi sana di naapektuhan yung play.

Pero ang hirap eh. Ang sakit. Bat ko ba kasi sya nagustuhan? Bat sya pa? Kung di yun nangyari edi sana ok kami ngayon. Maayos lahat ngayon.

Nakayuko lang ako habang nag iisip. Ang bigat sa dibdib. Gusto ko syang makausap. Gusto kong mabalik kami sa dati.

Pero ang hirap. Lalo na na may nararamdaman ako sa kanya. Ano ba kasing dapat kong gawin?

"Jeng?".

Napahinto ako sa pag iisip. Nagulat ako nang lingunin ko ang pinagmulan ng boses na tumawag sa pangalan ko.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon