Jane's Pov:
Nakasakay na kami sa kotse nina Tita Lovely at pauwi na kami. Nakasandal lang ako sa bintana ng kotse at nakatingin sa malayo.
Napansin kong may kung anong ginagawa si Kiry. Di ko na lang sya pinansin. Kagaya kanina. Nagtulog-tulugan lang ako sa hospital habang magkausap sila ni Jing.
*beep*
Nagvibrate ang phone ko. Hh! Mukhang alam ko na kung bakit. Hindi ko na lang yun pinansin at piniling matulog ulit.
Maya-maya pa ay nakauwi na kami.
"Oh andito na tayo", sabi ni tita.
Bumaba na si mama at binuksan ang bahay namin.
"Nak, gisingin mo na yang kapatid mo", sabi sakin ni mama.
"Jing, gising na. Nasa bahay na tayo", sabi ko habang niyuyugyog ang kapatid ko.
"Nako Jeng, wag mo na gisingin. Mukhang pagod oh. Kiry, iakyat mo na lang si Jing sa kwarto niya", sabi ni tita.
"Ahh hindi na po. Ako na lang po", sabi ko naman.
"Sus! Kakagaling mo lang ng ospital tsaka, andyan naman si Kiry eh", sabi ni tita kaya wala na kong nagawa.
Binuhat na ni Kiry si Jing at dinala sa taas habang sila mama ay nasa baba. Sinamahan ko sya sa kwarto ni Jing at binuksan ang ilaw doon.
Walang umiimik saming dalawa. Pagkalapag nya kay Jing, binuksan ko ang fan nito at tinutok sa kanya. Tinanggal ko ang medyas nya at tsaka kinumutan.
Napalingon ako sa gawi ni Kiry at napansin kong nakangiti syang nakatingin samin kaya tumayo na ako at lumabas.
Sinundan din naman nya ko. Bumaba na kami at tumungo kila mama.
"Asan na kapatid mo?", tanong ni mama.
"Ayun po, tulog na sa kwarto nya", sagot ko.
"Buti naman".
"Ahh sige beh, pasok na kami samin. Kailangan ko nang matulog. Maaga pa ko bukas eh", sabi ni tita Lovely.
"Ahh, o sige. Salamat pala kanina ah", sabi naman ni mama.
"Wala yun".
"Tita, thank you po", sabi ko naman.
"Welcome".
"Kay Kiry, di ka magte thank you?", tanong sakin ni mama.
Ma? Ayoko nga syang makausap eh. Tsaka bat ako magte thank you eh sya nga dahilan kung bat ako naospital?
"Thank you", mabilis kong sambit at inalis din agad ang tingin sa kanya.
"Sige", sabi naman nya at umalis na sila.
Nilock na ni mama ang pinto at ako naman ay umakyat na sa taas. Napabagsak na lang ako sa kama ko at kinuha ang phone ko.
Sorry...
Tumambad sakin ang message ni Kiry. Sorry? Aanhin ko yang sorry mo?
Binuksan ko ang data ng phone ko at nag fb muna pampatulog. Bungad na bungad sa newsfeed ko post Jonah.
Pinatay ko ang phone ko at tinakpan ng unan ang mukha ko. Kahit di ako inaantok, pinilit ko na lang matulog.
Kinaumagahan, ang aga ko nagising. 6:30. Himala? Dahil dito, nag ayos na ko ng makakain namin. Maya-maya pa ay bumaba na si mama at kasunod din si Jing.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
TeenfikceAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...