Jane's Pov:
"WHAT?!", sabi ni Kim matapos kong ikwento kung bakit ko sya pinapunta at ang katangahan ko kanina.
"You mean, aamin na sya sayo mamaya?".
"Not actually aamin. Kase sabi nya lang magkita kami-".
"Tapos nakita nya pang may panis na laway ka. Anak ka ng panis na laway".
"Teh, ganyan na ganyan din reaction ko kanina. Actually mas malala pa".
"Dapat lang. Kaloka ka kaya. Kaya dapat ngayon, magmukha ka ulit maganda!".
"Kaya nga ikaw ang pinapunta ko eh".
"Hmmm... Kilala mo lang ako pag may kailangan ka!".
"Letse toh ang drama! Nasa ref yung Leche flan! Ubusin mo pati lalagyanan!".
So syempre, lamon muna bago tulong. At ang mas masaklap, ayaw mamigay ni gaga.
"Lamon ka ng lamon dyan! Bilisan mo anong oras na!", sabi ko sa kanya.
"Teka lang naman. Ine enjoy ko pa Leche flan ko eh. Anong oras ba kayo magde date, ha?".
"Shhh! Ang ingay mo! Pag narinig ka ni Jing. Patay na naman ako tamo!", bulong ko.
"Oh anong oras nga?", mahina nyang sabi.
"Ewan ko pa eh. 6 ata or 7?", sabi ko.
"Gaga toh. I sure mo sa kanya. Mamaya magkaiba kayo ng oras",
"Oo, teka. Chachat ko na", sabi ko at nagtype na.
Kiry, anong exact time ba tayo magkikita?
"Yan na po", sabi ko kay Kim pagkasend ko.
"Ano ba kaseng sabi nya?".
"Basta sabi nya, magkita daw kami ngayong gabi. Eh usually pag pumupunta kami don, mga 6 or 7".
"Wow ah. Ano yun, dating place nyo?".
"Loko toh! Bilisan mo na nga lang dyan!".
After nya kumain ay umakyat na kami sa kwarto para maghanap ng isusuot ko.
"Ano ba naman kase yang mga damit mo, kung hindi panglalaki, pangmatanda. Yung totoo, damitan ba toh o lalagyanan ng basahan?", panglalait mg bruha.
"Lintek ka! Ang sama neto. Sumbong kita kay mama eh", pananakot ko.
"Pano naman kase, yang mga damit mo... Ahh basta!".
"Sus! Eto na lang. Magt tshirt na lang ako at jogging pants", sabi ko.
"Nononononono darling! Hmmm.... Watch and learn...", sabi nya sakin.
Etong babae na ito, ang likot ng utak. Kung ano anong nalalaman. Kaya bespren ko ito ih!
"Hmmm... May pantalon ka ba?", tanong ni Kim.
"Wala eh.. Ayy! Meron pala kong isa. Kaso masikip na yung sa bandang baba. Di na kasya sa hita ko hahahaha!".
"Patingin nga! Ilabas mo!", sabi nya at inilabas ko nga.
"May gunting ba kayo?", sabi nya kaya inabutan ko sya ng gunting.
"Pahingi nga ng blade, or kahit pang ahit ganon", syempre naghanap ulit ako at tsaka binigyan sya ng blade.
"Ano bang gagawin mo sa mga yan?", pagtataka ko.
"Basta! Hanggang saan ka kompurtable?".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Подростковая литератураAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...