Jane's Pov:
"Tara na", sabi ni Tita Lovely at pinaandar na ang kotse.
Ihahatid kase kami ni tita ngayon dahil dala namin ni Kiry ang mga graham cake na ginawa namin kahapon.
Nasa front seat sila ni tita at solo ko ang back seat. Pareho kaming may hawak na lalagyan.
Pasimple akong tumitingin sa salamin at minsa'y nagtatama ang aming mga mata. Kung minsan ay nahuhuli ko syang sumusulyap sakin sa salamin.
Minsan naman nahuhuli nya kong nakatitig sa kanya sa salamin. May isang beses ngang napangiti sya nang makitang nakatingin ako sa kanya.
Dahil don, sa bintana na lang ako tumingin at naiisip kong muli ang mga nangyari sa palengke.
Hanggang ngayon kase di ko paden alam kung ano ang pinag uusapan nila Kim at Kiry non. Gusto ko ding itanong kay Kim kung bakit ako hinigit non ni Kiry.
May ibig sabihin ba talaga yun... o masyado lang akong malisyosa?
"Oh! Andito na tayo", sabi ni Tita nang mapark ang kotse.
"Salamat po ma", sabi ni Kiry.
"Thank you po tita!", sabi ko naman. Bumaba na kami ni Kiry at umakyat na sa room.
Pag akyat namin sa room, nasa mesa na yung mga dala ng ibang grupo. Mukhang yung amin na lang yung kulang kaya nilagay na namin dun.
Pagdating ni maam, meron syang dala dalang mga packed juice na nasa karton. Mukhang kabibili lang. Naks naman maam!
"Wowww! Yes naman si Maam!", sabi ng mga kaklase ko.
"Oh diba? Taray ko noh? Hahahaha! Boys pakihelp na nga lang ako", sabi ni maam.
Tinulungan ng boys si maam na buhatin ang mga juice at kami naman ay inayos na ang pagkakainan. Nag maayos na lahat, pumwesto na kami sa mga dagon ng saging.
Magkahiwalay ang girls at boys. Si maam, piniling makasama kumain ang mga boys. Astig noh? Pagtapos namin magdasal ay nagsipaglantakan na kami.
Grabe! Para kaming mga nakawala sa kweba kung kumain. Yung iba talsik talsik pa. Hahaha! Pero ako, wala na kong pakialam sa kanila. Basta dakot lang ako ng dakot! Galit galit muna tayo mga repa! Hahhahaa!
Ilang saglit pa, natapos nang kumain yung iba. Naupo na sila sa may pader pero kami ni Kim, nakain paden. Baket ba? Sarap eh!Tamang simot lang kaming dalawa! HAHAHAHA!
"Hoy! Etong dalawang toh! Paawat kayo!", sabi ni John.
"Kulang na lang pati dahon ng saging kainin nyo mga bess ah!", pang aasar ni Niel. Yung totoo boys, wala kayong magawa?
"Che!", sabi namin sa kanila.
Di nalang namin sila pinansin. Kain lang ng kain. Hahahaha! Syempre pati yung graham na gawa namin titikman ko toh! Ayy! Titikman? Lalamunin pala! HAHAHAHA!
Pagtapos namin kumain, syempre kami narin nag ayos. Kami daw nahuli eh. Ganon pala yon! Pero oks lang! Busog lusog naman.
Alam ko naman sa sarili kong matakaw ako at kahit anong pagkain nilalamon ko kaya halo halo na amoy ng bibig ko. Kaya naman... nagdala ko ng toothbrush! Syempre dapat laging clean!
Bumaba kami ni Kim para mag toothbrush. Habang nag aantay sa pila, naisip kong kausapin sya tungkol sa kahapon.
"Oyy! Anong mga pinagsasasabi mo kay Kiry kahapon? Bat kayo nakahiwalay samin? Anong pinag usapan nyo, ha?", tanong ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...