Kiry's Pov:
Maaga akong nagising. Wala pang araw. Madilim pa.
Nagtaka ako at napansing sa sala pala ako natulog. Sa sobrang pagod ko, hindi ko na namalayang nakatulog na ako dito. Suot ko pa nga ang uniform ko.
Pero maayos naman ang pagkakahiga ko. At nakakumot pa ako. Nakita kong 4:30 palang sa orasan. Bumangon na ko at nag inat inat.
Nagulat ako nung may lumabas galing sa cr.
"Oh gising ka na pala", sabi ni mama.
"Kagigising ko lang po. Kakarating nyo lang?", tanong ko.
"Hindi, kagabi pa. Naabutan ko pa nga dito si Jeng eh", sabi ni mama.
"Si Jeng?". Oo nga pala. Kasama ko kagabi si Jeng. Ginamot nya ko.
"Oo. Binantayan ka nya. Tas nagluto pa sya kaso daw nakatulog sya kaya ayan tinakpan na lang nya. Initin mo na lang yan tas yan na almusalin mo", sabi nya habang tinuturo ang nakatakip sa mesa.
"Sige po", sabi ko na lang.
"Sige, babalik na muna ko sa pagtulog. Ikaw na bahal dyan ah", paalam nya sakin at umakyat na.
Bago ko buksan ang nakatakip sa mesa ay naghilamos muna ko. At nang buksan ito, nakita ko ang adobo at ininit ko nga ito.
Pagkakain ko ay dumiretso na ko sa banyo para maligo. Pagkahubad ko ay napatingin ako sa kamay ko at nakita ang benda. Sa walang kadahilanan ay napangiti ako habang nakatitig dito.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkakabenda dito at tsaka naligo na.
Paglabas ko ng bahay ay nasa tapat na si Jeng na nag aantay saken.
"Good morning!", nakangiti nyang bati.
Ngumiti ako at tumango. Naglakad na kami papuntang sakayan.
"Pagod na pagod ka kagabi ah. Nakatulog ka na lang sa sofa eh. Hahahah!", sabi nya.
"Oo nga. Di ko tuloy nakain yung adobo na niluto mo. Pero ok lang. Naalmusal ko naman sya ngayon. In fairness masarap ah", puri ko.
"Yieeeee! Naks naman! Apaka galing ko ng chef HAHAHAHAHA!".
Pagkasakay namin ay naalala ko ang sinabi ng mga kaklase ko samin.
"Nako lagot tayo! Sabi nga pala ni maam kahapon wag muna tayo aalis, tas umalis agad tayo".
"Hayaan mo na. Ako na magpapaliwanag kay maam. Sasabihin kong may nang-", napahinto sya nang mapatingin sa kamay ko.
"Asan yung benda? Bat tinanggal mo?", tanong nya.
"Eh pano ko maliligo?", tanong ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...