Chapter 24: Hid

48 12 0
                                    

Jane's Pov:

Uwian na at kasama ko ngayon si Kim sa isang Tea Shop.

"Hoy babae! Akala ko ba kailangan mo nang umuwi? Eh bakit nag aya ka pa mag Milktea ha?", tanong ni Kim.

"Sus! Bakit? Ayaw mo ba? Arte ka pa?", tanong ko at sumipsip sa Milktea ko.

"Sabihin mo nga sakin, magkagalit ba kayo ni Kiry?", tanong nya ulit.

Nagpeke ako ng tawa. "Bat mo naman natanong yan?".

"Pwede ba? Sakin ka pa talaga maglilihim? Eh bilang ko nga lahat ng nunal mo sa katawan eh".

"Kinalaman non?".

"Eh basta! Ano na nga?!".

"Hindi kami magkagalit ok..".

Tinaasan nya ko ng kilay. "Hindi?? Kaya pala di kayo nagpansinan buong araw. Unang beses kayo nagkaganto teh ha".

"Hindi naman kasi talaga kami magkagalit eh".

"Ano yun? Nag iiwasan kayo?".

"Hmmm... Parang ganon?".

"Anong parang ganon?".

"Umiiwas ako. Iniiwasan ko sya", sabi ko at uminom ulit.

"Eh bakit naman?".

"Masakit na eh. Hahaha! Alam mo yung pakiramdam na nagkukwento sayo yung best friend mo.. Yung taong gusto mo.. Kung gano sya ka excited na ligawan yung babaeng gusto nya. Ang sakit eh. Kaya naisip kong gawin toh. Para maka move on na ko".

"Move on? Pag iwas? Teh di ka makakamove on dyan. At isa pa, pano mo gagawin yun? Magkatabi kayo sa upuan. Magbest friends kayo. Magkapit bahay kayo. Sige nga".

"Nagawa ko nga kanina eh".

"Kanina lang. Pero di rin magtatagal yan. Tsaka... Ano? Isa sacrifice mo yung friendship nyo sa pagmu move on na yan?".

"Iiwasan ko lang naman sya habang gusto ko pa sya eh. Pero pag nawala tong nararamdaman ko, baka ready na kong kumilos ulit na parang dati".

"Hay naku! Bahala ka.. Basta ako sinasabi ko sayo, harapin mo yan. Kumilos ka lang ng normal. Kasi kung iiwasan mo sya, parang tinakbuhan mo lang din yang problema mo at hindi pagmu move on tawag dun.. Pagtakas yun".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon