Kiry's Pov:
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nauna nang maghanda ng mga gagamitin si Jeng.
"Oh ano ng gagawin?", tanong ko.
"Yung iba magdurog ng crackers tas magplace dyan sa lalagyan. Ako na maghahalo ng mga gatas", sabi ni Jeng.
"Tulungan na kita", sabi ni Jake.
Psshh... Sipsip amp!
"Ayus! Sige salamat", sabi nya at ngumiti kay Jake. Kinikilig ka naman?!
Napatingin ako ng iritable kay Kim at nakita nya ko. Nginisian nya ako at umiling iling. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Oyy maghugas muna kayo ng mga kamay bago maghawak ng mga anek anek ah", sabi ni Ashley.
Nasa lababo na si Jeng kaya't naghugas na sya ng kamay. Tumungo naman ako doon para din maghugas ng kamay.
Lumapit ako ng bahagya para kumuha ng sabon. Nagkikiskisan ang mga braso namin.
Ano toh?
Bakit ganto? Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko? Naguguluhan na ko sa mga nangyayare. Ano ba tong inaasal ko?
Halos sabay lang kaming natapos maghugas ng kamay. Pagkasara nya ng gripo, nagtangka na kaming umalis sa mga pwesto namin.
Pero.. nagkaharap kami. Ang lapit namin sa isa't isa. Di ko akalaing mmagkakaharap kami. Sa bigla nya ay napaatras sya at sakto namang si Jake ang naatrasan nya.
"Uyy! Ays ka lang?", tanong nito.
"Ahh oo..", sabi ni Jeng. "Tara na!".
At gaya nga ng sinabi kanina, sina Jeng at Jake ang naghahalo nung mga gatas. Sina Mark at Ashley naman yung nag aayos nung mga crackers sa lalagyan tas kami ni Kim ang nagdudurog.
Pssshh! Patawa tawa pa.
Habang nagdudurog ng crackers, nakatitig ako kina Jeng at Jake. Sus! Naglalaro pa! Parang mga bata!
"Kawawa naman yung crackers sayo!", sabi ni Kim.
Natanggal ang pagkakatitig ko sa kanila at sa halip ay napatingin ako sa kanya. "Bat?".
"Kung may galit ka, sabihin mo. Di yung dinadaan mo dyan sa crackers. Hahahah!".
"Ano bang mga pinagsasasabi mo?".
"Sus kunware ka pa. Bat di mo na lang kase amining nagseselos ka dun", sabi nya at ngumuso sa direksyon nila Jeng.
"Ha? Ako magseselos? Nasisiraan ka na ba ng bait? Bat naman ako magseselos?".
"Kaya pala titig na titig ka dun sa dalawa. Pwede ba Kiry...".
"Ewan ko sayo Kim. Magdurog ka na nga lang dyan".
"Oh, oks na toh!", sabi ni Jeng.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...