Chapter 20: Argument

54 10 0
                                    

Kiry's Pov:

Nasa room kami ngayon nina Kim at Jeng. Kami na lang natira. Uwian na din kasi kanina pa pero inutusan sila ni maam kaya hinintay ko sila.

Paglabas namin ng mga bag namin ay kinandado na ni Kim ang pinto.

"Jeng! Ays ka lang?", tanong ko sa kanya pero nakatingin ako sa malayo. Di ko kasi magawang tumingin sa kanya matapos mahalikan ang... pisngi nya...

Napaubo muna sya bago nakapagsalita. "Ah.. oo.. Yung kanina ba? Wag mo na isipin yun".

"Kayo kasi eh! Ang harot nyo ni Bea", baling ko kay Kim.

"Sorry na nga.. Ok na naman daw diba? Tara na", sabi nya at nag umpisa na silang maglakad.

Sumunod ako sa kanila at tumabi kay Jeng.

"Ehem awkward!", bulong ni Kim.

"Shhh! Wag mo na ngang asarin Kim!", sabi ko.

"Wushuuu! Malambot ba pisngi nya?", pang aasar nya.

Napansin kong naiinis na si Jeng, kaya naman... Sinakyan ko ang trip ni Kim. Whahahahha!

"Oo! Para ngang gusto kong ulitin eh", sabi ko at ngumuso para asarin sya.

Sinuntok nya ko sa braso at nagsalita, "Subukan mo! Tatapyasin ko yang nguso mo".

Natawa lang kami ni Kim sa sinabi nya.

Napabaling ako ng tingin sa court pagdating namin sa ground floor. Nakita kong nag iisa doon si Jonah.

"Si Jonah yun ah", sabi ko.

Papunta na sana ko sa kanya kaso nagsalita bigla si Jeng, "San ka pupunta?".

"Pupuntahan ko lang sya. Kawawa naman nag iisa sya don".

"Eh pano ko? Iiwan mo na naman ulit ako?".

"Drama naman neto. Ayan si Kim oh".

"Tsss.. Lagi ka namang ganyan eh. Mas pinipili mo yang crush mo kesa saking kaibigan mo. Sige ok lang. Dyan ka na sa Jonah mo! Tara na Kim", sabi nya at umalis.

"Hindi naman sa ganun.. Uy Jeng!", sinubukan ko syang pigilan pero ayun umalis na.

Inisip ko kung hahabulin ko ba sya o pupuntahan ko si Jonah. Pero wala eh, kay Jonah ko dinala ng mga paa ko.

Babawi ako Jeng...

Tumakbo ako papasok ng court at napansin naman nya ko.

"Oh! Ikaw pala?", bati nya.

"Bat mag isa ka lang? Anong ginagawa mo dito?", tanong ko.

Bago nya sagutin ang tanong ko ay nag serve muna sya ng bola.

"Oum... Nag iisip...".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon