Jane's Pov:
"Oh! Anak! Andyan na pala kayo. San ba kayo galing bat ang tagal nyo? Kanina pa namin kyo iniintay ahh", binungad kami ng mga tanong ni tita Lovely pagpasok namin ni Kiry.
"Bumili lang po kami ng regalo kay Jingjing", sagot ni Kay at bumeso.
"Hi ta!", bumeso din ako. "Sina mama po?".
"Andun sa loob. Nag aayos ng mga plato na gagamitin", tinuro ni tita yung kusina.
"Ahh sige po tita. Tulong po ako after ko magbihis. Akyat po muna ko", paalam ko.
Tumango sya at inutusan si Kay. "Hoy Kaykay. Tulungan mo muna si tita mo dun sa loob. Aasikasuhin ko lang tong mga bisita".
Pag akyat ko sa kwarto ay nakita ko ang dress na nakalagay sa kama ko.
Pumamewang ako at tinitigan ang dress. Hayy...
Alam naman ni mama na ayaw ko ng mga ganito eh. Pero sige sinuot ko na. No choice eh.
Habang sinusuot ko ang dress ay naalala ko ang nangyare samin ni Kiry kanina sa Rob. Napahinto ako.
Ano ba yon? Ang awkward kanina ah.
Pinagpatuloy ko na ang pagbibihis. Tamang suklay lang para medyo ays muka.
Kinuha ko na ang regalo ko tsaka dali daling bumaba.
Pagbaba ko, andon yung mga kapit bahay namin. Maraming bata pero wala don si Jean.
Nakita ko ang iba kong mga tito at tita kaya nagmano ako. Nakita ko rin ang ilan sa mga pinsan ko.
Matapos kong magmano ay dumiretso na ko sa kusina.
Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Kay na nag aayos ng mga plato na gagamitin.
"Oyy! Tulungan mo nga ko dito", sabi ni Kiry nang makita ako.
"Opo sir", sagot ko naman at tinulungan na sya sa pag aayos. "Si mama?".
"Pinuntahan si Jean para daw makapag simula na", sagot naman nya.
"Ahhhhhh".
"Aba! May pa dress dress ka pa ah. Ikaw ba may birthday?", pang aasar nya.
"Eh ito pinsuot sakin eh. Ang sikip sikip nga. Para kong sinasakal dito", reklamo ko. As if naman gusto kong magdress noh?
"Malamang, unang tingin palang alam mo ng hindi yan magkakasya sayo eh HAHAHAH!".
"Nakakatawa yun?", sabi ko sabay batok.
Kinuha na nya yung ibang mga plato at nilagay sa mesa.
"Wala na ba?".
"Eto na lang natira. Ako na maglalagay", nilagay ko na sa mesa.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Novela JuvenilAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...