Kiry's Pov:
Maaga ako natapos mag ayos ngayon at sa tingin ko naliligo pa lang si Jeng. Mabagal kasing kumilos yun.
Kumatok ako sa kanila pero si Tita Janice ang nagbukas ng pinto.
"Oh Kiry ikaw pala", bati ni tita.
"Hi Ta. Si... Jeng po?", tanong ko.
"Ha? Kanina pa sya umalis. Maaga daw sya papasok kasi may tatapusin pa sya. Akala ko naman sinabihan ka nya".
"Ahh ganon po ba? Ano kayang pinagkakaabalahan non? Sige po tita, una na po ako".
"Ahh sige. Ingat ka nak ah. Yaan mo pagsasabihan ko yang si Jengjeng mamaya".
"Sige po Ta. Salamat po", sabi ko at naglakad na paalis.
Ano kayang pinaggagagawa nung babaeng yon. Kahapon pa yun nagmamadali ah.
Pagdating ko sa room, nakita kong nakaupo si Jeng sa upuan ni Kim.
"Andyan ka na pala. Bat di mo naman sinabi saking maaga ka papasok? Di tuloy ako nakasabay. Gumaganti ka ba? Kala ko ba oks na tayo?", sabi ko habang papunta sa upuan ko.
"Hindi ah. May importante lang talaga kong ginagawa", sabi nya ng hindi man lang ako nililingon.
Ibinaba ko na ang bag ko at sinilip ang papel na sinusulatan nya.
"Ano ba yang ginagawa mo? Kahapon pa yan ah", ususero kong tanong.
"Basta", sabi nya.
Lunch time na at hanggang ngayon ay mailap parin sakin si Jeng. Ni hindi nga sya bumalik sa upuan nya eh. May regla padin ba toh?
Imbes na kami yung magkasabay mag lunch, dun ulit sila kumain ni Kim sa corridor.
Siguro meron pa din yun hanggang ngayon kaya di ko na muna kinukulit.
Nagdaan ang mga oras hanggang sa mag uwuian na pero di parin kami nag uusap. Nakakapanibago.
Akala ko makakapag usap na kami dahil may practice kami ngayon eh pero hindi padin.
Hindi muna kasi kami nagpractice ngayon eh. Sa halip, tinulungan namin yung mga props men sa pagtapos sa mga natitirang props.
Medyo madami pa kasing kulang kaya nagdecide si Stacy na tulungan muna sila. Medyo ok na din naman kasi yung sa acting namin eh. Kumbaga polishing na lang.
"Jeng! Cleaners ako ngayon ah. Hintayin mo ko", sabi ko nang makitang nag aayos na sya ng gamit nya.
"Sorry mauuna na ko. Kailangan ko na talagang umuwi eh", sabi nya at naglakad na ng dire diretso.
"Magkagalit ba kayo nun par?", tanong ni John habang nakahawak sa braso ko ang kamay.
"Ewan ko nga dun eh", sabi ko naman.
"Tsss... Kayo talagang dalawa. Sige par una na ko", pagpapaalam nya.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...