Chapter 66: Pregnant

36 10 0
                                    

Kiry's Pov:

Pagkatapos kong makabili ng bulaklak para kay Jeng ay naglakad na 'ko paalis. Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko ang dungis ko at ang baho.

Kinuha ko muna ang pabango ko sa bag ko at tsaka nag spray ng nag spray. Tinignan ko ang istura ko sa cellphone ko at ok naman. Gwapo parin ako.

Binalik ko na ang pabango ko sa bag at binilisang maglakad. Mukhang malapit lapit na ko. Ilang kanto na lang ay nasa may fence na ko.

Sa may main road, may napansin akong isang pamilyar na babae. Bagamat nakatalikod sya ay pakiramdam ko kilala ko sya.

Pinagmasdan ko sya ng ilang mga minuto at tsaka sinubukang lumapit. Mukhang umiiyak sya.

Bigla syang humakbang ng isa. At nasundan ng isa pa. Hanggang sa makababa na sya ng gutter.

"Nahihibang na ba 'tong babaeng 'to?", tanong ko sa sarili.

Lumapit pa ko para makita ang kanyang itsura at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang babaeng ito.

Nagpatuloy ang paghakbang nya at napatingin ako sa gilid. Agad ko syang sinundan para hilahin nang makita ko ang humaharurot na motor.

"Jonah!", sabi ko pagkahila ko sa kanya.

Natumba kami sa may gutter sa lakas ng paghila ko sa kanya. Nabigla sya nang makilala ako. Tumayo sya para sana umalis pero pinigilan ko sya.

"Nahihibang ka na ba?! Anong ginagawa mo?! Bakit ka magpapakamatay?!", sabi ko sa kanya.

"Wala kang pakielam!", sabi nya at tumalikod.

Pumunta ako sa harap nya at nagsalita muli. "Bakit ka ba nagkakaganyan ha?!".

"Hindi mo alam yung pinagdadaanan ko kaya umalis ka na lang", sabi nya. Napansin kong parang lasing sya.

"Lasing ka ba ha?!", tanong ko.

"Oo! Bakit?!", sabi nya.

"Bakit ka umiinom ha? Gabing-gabi na nasa labas ka pa at higit sa lahat lasing ka pa? Nasaan ba yang boyfriend mo? Bakit hindi ka-".

"Tama na! Ayokong marinig ang pangalan nya! Umalis ka na dito! Kaya ko ang sarili ko! Iwan nyo na kong lahat!!".

"At ano? Bukas-makalawa malalaman ko na lang patay ka na? Ano bang pumasok dyan sa utak mo at tatawid ka na lang basta-basta ha?".

Huminga sya ng malalim. Mukhang nagiging emosyonal na sya.

"Bakit ganyan kayong mga lalaki? Sa una concerned na concerned kayo saming mga babae. Makita nyo lang kaming may sugat todo na pag-aalala nyo. Tapos.. Kapag nakuha nyo na lahat ng kailangan nyo samin, hahanap na kayo ng ina. Tapos.. halos hindi nyo na kami kilala?", sabi nya habang may mga luhang pumpatak na sa kanyang mga mata.

"Kiry.. Alam mo ba yung nararamdaman ko? Sobrang sakit! Sobra sobra! Dito oh! Dito sa puso ko na walang ibang ginawa kundi mahalin at tanggapin si Troy ng paulit ulit".

Humagulgol na sya. "Ano bang kulang?! Bakit hindi sya makuntento sakin?! Nagsasawa ba sya? Wala na ba kong kwenta?".

"Wag mong sabihan yan! Sya ang walang kwenta kase pinagpalit ka nya sa iba", sabi ko.

"Paulit-ulit na lang nya kong ginaganito. Pero sa lahat, ito ang pinakamalala! Kaya, ayoko na silang makita! Kahit kelan! Kaso impossible naman yun diba? Kaya..".

"Kaya ano? Kaya magpapakamatay ka? Sus! Napakababaw naman nyan Jonah! Dahil lang sa lalaki?".

"'Wag kang magsalita na para bang alam mo lahat!".

"Sige nga, sabihin mo! Ano ba talaga? Bakit ka magpapakamatay?!".

"Buntis ako!", sabi nya. Parang nawalan ng oxygen ang paligid nang sabihin nya ang mga salitang yun.

Huminga sya ng malalim bago ulit magsalita. "Tatlong buwan na kong buntis at ngayon ko lang nalaman. Three months ago, niyaya nya ko sa kanila.. Nung mga panahong yun, walang tao sa kanila. Pagdating ko dun, may nakahanda nang beer. Sabi nya, inom daw kami kase daw successful yung proposal ng papa nya sa trabaho nya. Edi syempre natuwa ako".

"Tapos?", tanong ko.

"Tapos uminom kami".

"Pumayag ka?!".

Tumango sya. "Naka tatlong shot ako non. Sabi ko, ayoko na. Mapapagalitan ako. Tas sabi nya ok lang daw. Niligpit na namin yung mga kalat. Tas nanuod kami ng tv. Nagkataong sexy scene yung lumabas. Tapos naghubad sya kase sabi nya maiinit. Tapos lumapit sya at inakbayan ako".

"Sumandal sya sakin at inalis din agad para amuyin ako. Ang bango ko daw. Tapos bigla nya akong hinalikan.. Ang bilis ng mga pangyayari. Di ko akalaing aabot toh sa ganito".

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi. Naiinis ako sa nangyare. Naaawa ako kay Jonah.

"Alam na ba ni Troy?", tanong ko.

"Kaninang umaga, pumunta ko sa bahay nila. Kumatok ako.. Ang tagal bago nya ko pagbuksan. Tapos binuksan nya yung pinto at sabi nya, anong kailangan ko. Para bang hindi nya 'ko kilala. Tinanong ko pa sya kung hindi nya ba ko papapasukin pero wala. Kaya sinabi ko na agad sa kanyang buntis ako. Nagulat sya at pinaaalis ako. Umiiyak na ko non. Sabi ko mag usap kami pero sinaraduhan nya lang ako ng pinto. Naisip ko baka nagulat lang sya kaya inantay ko syang lumabas. Naghinntay ako ng halos kalahating oras at para bang nagdilim ang piligid ko nang lumabas sya kasama ang isang babae. Alam mo ba kung anong ginagawa nila? Magkahawak-kamay sila at nakasandal pa yung babae sa kanya. Nanikip bigla ang dibdib ko nang makilala kung sino yung babae. Si Hailey. Si Hailey pa. Taragis na yan! Alam mo ba! Pinsan ko si Hailey!".

Umiyak sya ng umiyak pero pinagpatuloy parin ang kwento nya.

"Tinawag ko silang dalawa para makasigurado ako. At oo, sila nga yun. Nagulat sila. Tumakbo ako papalayo. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Kung gano kasakit na ipagtabuyan ka ng taong mahal mo? Kung gaano kasakit na makita mo yung pinsan mong nakikipaglandian sa boyfriend mo?".

"Jonah...".

"Sobrang sakit! Ang hirap.. Lalo pa ganito sitwasyon ko.. Kaya ano pa bang dapat kong gawin, edi mamatay na lang diba?".

"Malaking kasalanan yun Jonah. Tsaka hindi mo man lang ba naisip.. Pano yung bata? Ni hindi man lang nya makikita yung mundo.. 'Wag mo namang ipagkait sa magiging anak mo yung mundong 'to", sabi ko sa kanya at umiling-iling sya.

-----------------------------------------------------------------

"It's so hard to forget pain, but it's even harder to remember sweetness".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon