Kiry's Pov:
Gabi na at wala na kaming masakyan pauwi. Tulog na din si mama kaya di na kami makapagpasundo kaya minarapat na lang namin maglakad.
"Chinat ko na si mama. Sabi nya ingat daw tayo. Pag may dumaan daw sakay tayo", sabi ni Jeng.
Patuloy syang nagc cellphone habang naglalakad. Yakap yakap nya sa kanang bisig ang violet na bear na ibinigay ko sa kanya kanina. Ang cute nya tignan.
Nakangiti ako habang minamasdan sya hanggang sa napatingin sya sakin.
"Baket?", tanong nya habang nakataas ang kilay.
Nakangiti lang akong umiling. "Puro ka cp dyan, pag ikaw nadapa".
"Andyan ka naman eh", sabi nya habang patuloy pading nagc cp.
Mayamaya, may lalaking mabilis na nagpapatakbo ng bisikleta ang dumaan sa gilid ni Jeng. Muntik na syang mahagip. Buti na lang at nahigit ko sya papunta sa kabila kong gilid.
"Ayan muntik ka na! Sabi ko kase sayo mamaya ka na magcp eh!", sermon ko sa kanya.
"Eh bat kase ikaw yung andito kanina? Dapat ang babae sa gilid", sabi naman nya.
"Aba! Sino ba kaseng gusto pumwesto dito kanina?", sabi ko naman.
Umirap lang sya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa..
"Aahh!", daing nya at napaupo.
"Bakit? Anong problema?", tanong ko naman.
"Ansakit na ng paa ko. Kanina pa kase tayo naglalakad eh. Pagod na ko", sabi nya habang hinihimas ang paa.
Iniluhod ko ang isang tuhod ko at tinignan ang paa nya.
"Maga na nga. Tsk tsk tsk", sabi ko.
Tumalikod ako sa kanya at tinapik ang balikat ko.
Hindi sya nag respond kaya humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Aba! Tinaasan lang din nya ako ng kilay.
"Sumakay ka na", sabi ko.
"Baket?", tanong nya.
"Masakit paa mo diba? Edi bubuhatin na kita", sabi ko.
"Ehh wag na. Magiging ok din toh mamaya", sabi nya.
"Ehh? Gabi na oh. Hinahanap na tayo", sabi ko naman.
Hindi sya umimik. Tumayo ako at kunwaring naglakad. "Bahala ka nga".
"Oo na!", sabi nya kaya tumalikod na akong muli at umupo.
Unti unti kong naramdaman ang init ng kanyang katawan nang marahan syang tumapat sa likod ko. Ipinatong nya ang mga braso sa balikat ko habang yakap yakap ang bear na binigay ko sa kanya.
Marahan akong tumayo at hinawakan ang dalawa nyang binti. Ramdam ko ang kabog ng kanyang dibdib. Para bang nagsasalitan ang mga pintig ng puso namin.
"Lalo ka atang bumigat?", pang aasar ko.
"Tssss! Ewan ko sayo!", sabi nya at ngumiti.
Patuloy lang kaming naglakad. Parang ambilis ng oras. Di ko namalayan, nasa may fence na kami. Gusto ko pa sana syang buhatin ng mas matagal pero bumaba na sya at tumayo sa may fence.
"Ang ganda ng langit ngayon noh? Ang payapa. Tas andami pang stars", sabi nya habang nakatingala.
"Oo nga eh", sabi ko naman at tumingala din.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...