Jane's Pov:
Kahit mahapdi ang sugat ko dahil sa pagpulot ko ng basag na baso, mas ramdam ko pa rin ang mabilis at malakas na pintig ng puso ko.
"Mabuti walang nakabaon. Mahapdi ba?", tanong ni Kiry.
Tumango lang ako. Nagulat ako nang ilapit nya ang daliri ko sa kanyang bibig. Marahan nyang hinipan ang mahapdi kong sugat.
Sa lapit ng daliri ko sa bibig nya, nararamdaman ko ang malambot at makinis nyang labi. Ang init din ng hininga nya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit ganon? Parang bumabagal ang paggalaw nya. Pati ang pagpikit ng mata nya habang nakatingin sa sugat ko.
At ito na naman, nag uumpisa na naman ang karera sa puso ko. Bakit ba kahit anong gawin ko, kahit lumayo ako, kusang bumabalik sa dati ang katawan ko 'pag andyan ka na?
Natigil ang pagpapantasya ko nang tumingin sya sakin. Nilihis ko ang aking tingin.
"Mahapdi pa ba?", tanong nya.
"Ahh.. Hindi masyado... Salamat", sabi ko at inalis na ang daliri sa pagkakahawak nya.
"Kukuha lang ako ng band aid", sabi nya at kumuha nga.
"Akin na", sabi nya habang inaabot ang kamay ko.
"Ako na. Akin na", sabi ko.
"Ako na nga".
"Ako na. Kaya ko naman eh", sabi ko.
Akala ko sasagot pa rin sya pero hindi. Dahil imbes, kinuha nya ang kamay ko.
"Alam ko namang kaya mo eh. Gusto ko lang na ako ang gumawa", sabi nya habang nilalagay ang band aid sa daliri ko.
"Napaka-clumsy mo kasi. Kahit anong gawin mo, kahit saan ka pumunta, may nangyayaring aksidente", dagdag nya pa. Well, oo. Medyo totoo nga kaya napanguso na lang ako.
"Pero kahit ganon...". Napatingin ako sa kanya at bago nya dugtungan ang sasabihin nya ay tumingin muna sya sakin.
Dugdug.. dugdug... dugdug.. dugdug...
Ano ba toh? Natigilan kami parehas... Ang lapit namin sa isa't isa. Hawak nya ang kamay ko. At ang bilis ng tibok ng puso ko.
"...ingatan mo pa rin yung sarili mo", sabi nya habang diretsong nakatingin saken.
"Kasi hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo 'ko", dugtong nya.
*sinok*
Panira! Bigla ba naman akong sininok?
*sinok*
Nabitawan nya ang kamay ko at natawa. Takte! Ano ba 'yun? Ano bang mga pinagsasasabi ng mokong na yun?!
Parang ang init ko! Para kong namumula sa init. Tapos itong sinok na toh! Ayaw pa manahimik!
"U-uuwi lang ako!", sabi ko at naglakad papalayo.
"Bakit?", tanong nya pero hindi ko na iyon sinagot at binilisan ang paglalakad.
Pagbukas ko ng pinto ay si Kim ang sumalubong sakin.
"Ki-", babatiin nya sana ko dahil akala nya ako si Kiry pero natigilan sya.
"Amara! Ikaw pala yan? Si Kiry?", tanong nya.
"Asa loob", sabi ko at nagtangkang umalis.
"Saan ka pupunta?", tanong nya.
"Sa bahay".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Подростковая литератураAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...