Chapter 13: Handkerchief

71 18 0
                                    

Kiry's Pov:

Hay naku! Ano kayang trip nila? Bat ako pa? Buti sana kung drawing yun eh, baka ako pa nagprisinta. Eh kaso acting! Anong malay ko dun?

Naglalakad ako habang nag iisip. Hindi ko napansing wala na ako sa ulirat ko kaya ayun! Nauntog ako sa may pader.

"Aray!", sabi ko habang hinihimas himas ang ulong nauntog.

Sa katunayan kasi nyan, papunta akong library ngayon. Magsasauli ako ng librong hiniram ko kahapon.

Eh habang naglalakad ako, iniisip ko ang mga nangyari kahapon. Yung pagkakapili sakin na maging bida sa role play na ipe present namin sa Valentines.

Bakit ako pa? Di ko naman kaya yun. Ang haba ng lines at andaming kadramahan.

Sa kabilang banda, nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nung malapit lapit na ako ay nakasalubong ko sina Kim at Jane.

"Pareng Kiry! San punta?", bati sakin ni Kim at nakipag apir.

"Tapon basura, sama ka?", sagot ko naman at tumawa. Hahahaha!

"Parehas talaga kayo neto ni Amara eh noh? Mga pilosoper!", sabi naman nya.

"Nadamay ako?", sabi naman ni Jane.

"Oh bat hindi?", sabi ni Kim at tinaasan sya ng kilay.

"Hoy Kim! Bat nga pala ako yung pinartner mo kay Jeng?", sabi ko nang maalala ang character ko sa role play

"Maka hoy naman toh! Parang diring diri ka pa na partners kayo ah", sabi nya.

"Sorry na. Grabe hindi naman sa ganun. Hindi lang kasi ako nababagay sa role na yun. Alam mo namang pagdo drawing lang kaya kong gawin eh".

"Edi sabihin mo na lang kay Maam na ayaw mo", sabi ni Jane.

Bigla namang nagsalita agad si Kim. "Ok na yan! Settled na eh! Tsaka mas komportable kasi kayo sa isa't isa diba? Edi tuturuan ka na lang ni Amara. Mamaya mayamot pa yun si maam eh".

"Oo na! Bale, san ba kayo papunta? Paakyat na?", tanong ko.

"Yah! Ikaw ba?", sabi ni Kim.

Pinakita ko yung librong daladala ko at tsaka nagsalita, "Sasauli ko lang ito".

"Ahh! Sige, una na ba kami? O antayin ka na namin?", tanong ni Jeng.

Nag ububuhan si Kim at napansin kong tumingin sa kanya ng masama si Jeng.

"Bakit?", tanong nya at tsaka sya iniling ilingan ni Jeng. Talaga toh si Kim.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon