Jane's Pov:
Ano ba 'tong mga pinaggagagawa ni Kiry?! Kinikilig ako na naiinis eh!
"Napakapafall mong bwisit ka!", napabulong ako sa sarili ko.
"Ha?", mukhang naulinagan nya ang sinabi ko.
"Hatdog!", pambabara ko.
"Ano nga?".
"Walang ulitan sa bingi!", sabi ko at dumila.
"Andyan na pala kayo!", bati samin ni Kim.
"Kanina pa kayo?", tanong ni Kiry sa kanila.
"Hindi nauna lang kami ng unti sa inyo", sabi ni Jake. "By the way, ang ganda mo ngayon Amara ah".
"HAHAHA! Mas maganda si Kim! Pero salamat! Ikaw den, ang pogi mo ngayon".
"Sus, nagbolahan pa kayong tatlo! Tara na nga!", sabi ni Kiry.
Pumasok na kami ng gate at sumalubong samin ang mga magagandang bulaklak at iba't ibang designs sa gilid ng daan. May pa arc pa yun na may mga nakalaylay na mga crepe paper.
Pumila na kami at ilang saglit lang ay tumugtog na ang hudyat ng aming paglalakad sa napakagandang red carpet kaya tumungo na kami papuntang court.
"Ang ganda". Nakakapit ako sa braso ni Kiry habang naglalakad papasok at pinagmamasdan ang paligid.
"Ang ganda nga", sabi ni Kiry. Napalingon ako sa kanya at paglingon ko ay nakangiti sya habang nakatingin sakin.
Napangisi na lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakapasok na kami sa court at tinungo na ang table namin. Nasa gilid ang lahat ng mga table at seats.
Malawak ang gitna ng court kung saan naka set up ang mga lights at doon kami magsasayaw mamaya. Nasa stage naman ang table ng mga judges at special guest kung saan sila ang pipili ng mga aawardan mamaya.
Nasa may likod naman ang pwesto mga pagkain at dun din nakapwesto ang mga magseserve. Sa gilid at labas naman ay mayrong mga magagandang spots na pwedeng pag picture an.
Umupo na kami at nagsimula namang maglakad ang mga teachers. Nasa may bandang likuran ang table namin. Sa isang table ay may 10 taong mago-occupy.
Sa table namin ang magkakasama ay ako, si Kiry, Kim, Jake, Danica, Niel, Stacy, Mark, Zach at Ashley. Nahiwalay lang samin si John dahil bukod sa kulang na ang seats ay taga-ibang section ang partner nya. Ewan ko ba dun.
Nang makapaglakad na ang lahat sa red carpet ay nagsimula na ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ng adviser namin.
"Guys! Good luck!", sabi namin kina Danica at Niel matapos ang panalangin dahil pupunta na sila sa harap para mag lead sa kakantahin namin.
"Boi, kinakabahan ako!", sabi ni Niel.
"Sus! Dalian mo na! Kaya mo yan", sabi namin at pumunta na sila sa harap.
Tumugtog na ang minus one ng unang kanta na kakantahin namin. Mukhang nangangatog sa harap yung dalawa ah HAHAHAHA!
"Bagay talaga yang dalawa na yan, 'no?", bulong ko kay Kiry.
"Oo nga, parehas pa magaling kumanta", sabi naman nya.
Nagsimula nang kumanta ang girls na pinangunahan ni Danica.
Sabi nila
Balang araw darating
Ang i'yong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...