Chapter 28: Couple Necklace

41 11 0
                                    

Kiry's Pov:

"Anong gusto mong panoorin", tanong ko kay Jonah pagdating sa sinehan.

"Gusto mo ba talagang manood?", tanong nya.

"Ikaw ba? Ayaw mo ba?".

"Hindi naman... Parang... Nakakahiya lang kase yung bear... HAHAHAHA! Ang laki masyado", natatawa nyang sabi.

"Sus! Ok lang yan... Oh ano? Nood na tayo?".

"Sige na nga. Ano ba papanoorin naten?", tanong nya.

"Etong 'Cabinet Killer' kaya?", alok ko sa kanya.

Eto na... Mag uumpisa na ang plano ko. Whahahahahaa!

"Ahh sige! Tamang tama! Mahilig ako sa horror!".

Ha?! Ano ba yan? Balak ko pa namang yakapin ka pag natakot ka tas mahilig ka pala sa mga ganyan?

Di bali. Share na lang tayo sa popcorn. Atlis magdidikit yung mga kamay natin.

"Sige bili lang ako tickets. Dito ka lang", sabi ko sa kanya.

"Wait! Eto yung bayad ko", sabi nya at nag abot ng pera.

"Ako na...", sabi ko at umalis na.

Pagbalik ko sa pinag iwanan ko sa kanya. Nakalagay sa lapag yung bear nya. Yakap yakao nya ang dalawang popcorn at hawak hawak ang dalawang softdrinks.

"Ano yan?", gulat kong naitanong.

Natawa sya sa reaksyon ko.

"Hay naku! Sana di mo na ko sinama kung di mo din ako papagastusin. Ano? Palamunin lang ako dito?", biro nya.

"Sige na kunin mo na toh. Yan na lang ambag ko baka di mo pa kainin ah. Patay ka sakin", sabi nya at mahinhing tumawa.

Ano ba yan?! Pati ba naman sa popcorn?

Eh no choice.. De kinuha ko na.

"Sana yung isang malaki na lang binili mo. Para share na tayo.. I mean para mas mura", sabi ko sa kanya. Medyo muntik madulas par ah..

"Ok na toh. Atlis tig isa tayo", sabi nya.

"Tara na nga sa loob", sabi ko pagkakuha ko sa bear at pumasok na kami.

Buti na lang dun sa may taas yung seat namin. Hindi masakit sa mata.

Pumwesto na kami at nagsimula na ang palabas. Grabe! Umpisa pa lang nakakapangilabot na.

Ang lamig ko na! Yung tipong ang ginaw na tas natatakot ka pa! Orayt!

Imbes na ako yung magpapakalma kay Jonah, naging baliktad eh. Di ko alam bat ako naduduwag sa palabas na toh! Habang si Jonah ayun! Tinatawanan pa ko.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon