Chapter 56: Jealousy

56 12 0
                                    

Kiry's Pov:

Ang tagal naman nila sa cr! Nag-uumpisa na yung sayawan oh!

"Nasaan na kaya yung dalawa? Bakit hindi pa bumabalik?", tanong ni Jake.

"Kaya nga eh. Napakatagal magcr", sabi ko naman.

"Baka mahaba lang yung pila?", sabi ni Stacy.

"Oh, ayan na pala sila eh", sabi ni Mark.

Naglalakad na sila papalapit nang biglang may mag-ayang sumayaw kay Jeng. Isang grade 9 student. Huwaw ha!

Tumutugtog na ang slow music pero mukhang hindi pa sya decided. At nagulat na lang ako nang bigla silang naglakad nung lalaki sa gitna at sumayaw.

"Oyy ano yun?", tanong ko kay Kim pagkabalik nya.

"Ahh yun.. Crush daw nung bata si Amara last year pa kaya pinagbigyan nyang isayaw", sabi ni Kim.

"Taray! Naks naman si Amara! Hanggang grade 9 umaabot ang alindog! HAHHAHA!", sabi ni Niel.

"Ang cute nila oh!", sabi ni Ashley.

"Anong cute? Mukha silang mag nanay", sabi ko.

"Tara na nga, sayaw na rin tayo", sabi nila kaya nagsitayuan na sila at naiwan akong mag-isa sa table. Saya 'di ba?

Tinitignan ko lang sila Jeng at ang kasayaw nya. May patawa-tawa pa. Nakakainis! Hindi man lang sya humarap dito!

Humarap na ulit ako sa mesa at uminom ng tubig. Nagulat ako nang biglang may lumapit sakin.

"Hi Kiry! Pwede ba tayong sumayaw?", sabi ng isang babae. Hindi ko sya kilala pero familiar sya.

"Ahh sorry, masakit kasi tuhod ko eh", sagot ko.

"Ahh ganon ba? Sige, mamaya na lang", sabi nya at umalis.

Ilang saglit pa ay may lumapit ulit sakin.

"Oh bakit mag-isa ka lang dito?". Si Jeng na pala yun.

"Eh paano, yung partner ko, may kasayaw na iba", sabi ko.

"Eh inaya ako eh. Kaya sinayaw ko na".

"Tapos ako? Hindi mo man lang ako naisip. 'Di mo man lang naisip na wala akong makakapartner sumayaw?", sabi ko.

"Ang drama mo naman! Kahit sino naman pwede mo isayaw eh. Kanina nga may nakita akong lumapit sayo na babae, 'di mo sinayaw. Ang ganda kaya non. Sayang!".

"Oh 'di ba kayo sasayaw?", pampuputol ni Jake sa usapan.

Nakakainis ang ganda sana ng ibabanat ko eh!

"Tara na nga! Tumayo ka na dyan!", sabi ni Jeng at hinila ko papuntang sayawan.

Pagdating naman ay fast music na ang pinatugtog. Badtrip! Slow dance nga gusto ko eh.

*tugs tugs tugs tugs tugs*

"Yeah! Hataw!".

Nakakatuwa silang tignan. Mukhang mga kakalabas lang sa mental kung makasayaw.

"Hoy! Bakit nakatayo ka lang dyan? Sumayaw ka nga", sabi ni Jeng.

"Eh ayoko!", sagot ko.

"Ahh, 'di ka sasayaw ahh".

Hinila nya ko papunta sa gitna kung saan nakapabilog ang mga kaklase namin sa amin at tsaka kinontrol ang kamay ko pasayaw.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon