Jane's Pov:
Pagtapos namin kumain ni Kim ay umakyat na rin kami sa room para magpahinga.
Dumating si maam para sabihin saming wag muna kaming uuwi. Pagtapos non ay umalis din naman agad sya.
Ilang saglit pa ay natahimik ang maingay naming klase sa pagdating ni Kiry.
Mukhang masama ang timpla nya. Dire diretso lang kasi syang naglakad at ni hindi man lang nilingon si Niel na binati sya.
Mas lalong sumama ang mukha nito nang mabanggit ni Niel ang nangyare kanina sa Marriage Booth.
"Hala anong nangyari sa kamay mo Kiry?!", nagulat ako sa pagsigaw ni Kim kaya napatingin ako sa kamay nya.
Dumudugo nga! Ano na naman kayang ginawa ng lalaking toh?
Kahit galit ang emosyon na pinapakita nya, kitang kita ko padin ang lungkot sa mga mata nya.
Ramdam ko ang sakit at bigat na nararamdaman ngayon ng puso nya. Ano ba kaseng nangyare?
"Pwede na bang umuwi?", tanong ni Kiry kay Stacy.
"Sabi kase ni maam wag daw muna agad uuwi eh...", sagot naman ni Stacy.
"Ahh ganon ba? Sige", sabi nya at bigla na lang umalis.
Sinubukan nilang pigilan si Kiry pero di din nila nagawa.
Susundan ko ba yun? Eh kaso sabi ni maam wag daw muna aalis eh... Hay nako bahala na!
Sinukbit ko na ang bag ko at naglakad pero napahinto ako nang sitahin nila ako.
"Oh ano Amara? Aalis ka den?", sabi ni Stacy.
"Kailangan kong sundan si Kiry. Mukhang problemado sya eh.. Mamaya kung anong gawin non".
"Eh sabi nga ni Maam diba wag daw muna aalis", sabi naman ni Ashley.
"Oo... Kaya nga pakisabi na lang sorry... May importante lang akong kailangan asikasuhin kaya kailangan ko nang umalis".
"Pero Amara...".
"Ako na bahala kay maam Beh! Sige na habulin mo na si Kiry", sabi ni Kim kaya tumakbo na ko paalis.
Hinabol ko si Kiry at sa pagmamadali ko ay namali ako ng hakbang sa hagdan kaya nahulog ako pababa na may natitirang tatlo pang hakbang.
Hindi ko ininda ang sakit at nagpatuloy sa paghabol sa kanya. Nang matanaw ko sya ay tinawag ko ang pangalan nya pero hindi sya lumingon hanggang sa naabutan ko na sya.
"Alam mo bang alalang alala ko?! Hindi ko alam kung anong nangyari dyan sa kamay mo! Hindi ko alam kung nakipag away ka ba o nadisgrasya ka... Tas yang mukha mo! Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa kaya hinabol agad kita para kamustahin ka! Kung ok ka ba? Kung anong nangyare sayo?", galit na galit kong sabi.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Fiksyen RemajaAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
