Chapter 40: Three Roses

56 12 0
                                    

Jane's Pov:

Ano ba yan! Bat ako pa?! Ano kaya sasabihin ko?

"Sige na nga... Hm... Una, allergic ako sa seafood. Pangalawa, nagka dengue na ko. Pangatlo, nung grade 5 ako nakaihi ako sa palda".

Whaahahahaha! Mamatay kayo kakaisip!

"Ang hirap naman!", sabi ni Ashley.

"Kiry! Ikaw nga sumagot! Tutal ikaw naman nakakakilala ng lubos kay Amara eh", sabi ni Kim.

"Ayoko nga! Ako na susunod dyan pag nangyari yon", sabi nya.

"Eh ano naman? Sige na kase!", sabi ni Ashley.

"Oo na nga! Kase... Hmmm... Di sya allergic sa seafood kase lagi naman yang nakain non. At nung grade 5 kami, yung kaklase naming ni Fiona ang naihi sa palda, hindi sya. Kaya yung pangalawa yung totoo", sabi ni Kiry.

"Oo tama! HAHAHAHA!", sabi ko.

"Oh dahil dyan, ikaw na!".

"Ano ba yan?! Di pa naman ako marunong magsinungaling", sabi ni Kiry.

"Tssss! Forte mo nga yan eh", sabi ko naman.

"Talaga ba?".

"Oh gera na naman!", sabi ni John.

"Tsss... Ano ba kase pwede kong sabihin?", sabi nya.

"About crush na lang Kiry!", sabi ni Ashley.

"Sige... Hmmm... Una, crush ko si Ashley", sabi nya.

Tsss! Kilig naman tong si Ashley...

"Pangalawa.... Crush ko si... Jane", sabi nya.

J-jane? A-ako ba?

"Sinong Jane?", sabi ni Kim.

"Jane Reyes".

Ahh... Sya pala...

Nakayuko lang ako non. Pero napatingin ako sa kanya nang sabihin nyang...

"Pangatlo... Gusto ko si Amara".

Nakita kong ngiting-ngiti si Kim kaya natawa ko.

"Luh? Kinikilig si Amara oh!", sabi ni John.

"Kinikilig? Baka kinikilig?!", sabi ko.

"Sus! Eh bat ngiting-ngiti ka?".

"Natatawa kase ko sa hitsura ni Kim. Tsss!", sabi ko. Pero... kinilig ba ko? Haha! Ewan!

"Oh ano sino sasagot?", sabi ni Jake.

"Ako na lang!", sabi ni Ashley.

Pero gusto ko ako... kasi kung ako... ang itatanong ko... kung... kung... gusto nya ba ko...

Pag sumagot syang tama, edi gusto nya nga ko. Pag hindi, edi hindi! Pero... pano kung oo? Pano kung hindi? Whaaaa! Ayusin mo sagot mo Ashley!!!

"Oh sige.. Ano sagot?", sabi ni Kiry.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon