Chapter 37: Performace

42 12 0
                                        

Jane's Pov:

This is it. Eto na ang aming last but definitely not the least na performance na gagawin namin. Maaga talaga kong natulog kagabi para maaga akong makapag handa.

Naka kotse kami ngayon papasok ng school. Si Tita Lovely ang nagda drive. Nakasabit ang mga damit na susuotin namin ni Kiry mamaya.

Actually, may mga dala nga ding kikay kit si Tita eh. May mga pangkulot tsaka pang make up pa. Sabi nya, bago daw sya pumasok sa trabaho, aayusan daw muna nya ko para maganda ko sa play mamaya.

Ang supportive talaga ni Tita tsaka ni mama. Gusto din sumama ni mama kaso ihahatid nya pa si Jing eh. Tsaka ayoko na din syang pasamahin susme.

Pagdating namin sa school ay napansin agad namin ang magandang pagkakaayos ng court at stage.

"Ang ganda ng court nyo ah. Galingan nyo mamaya nako", sabi ni Tita.

"Opo naman po Tita", sabi ko.

Pag akyat namin sa room ay nandun na din halos lahat. Nandon na rin si maam na tumutulong sa pag aayos sa mga casts.

"Hi maam good morning!", bati ni Tita sa adviser namin.

"Oh! Hi po".

"May performance kayo ngayon diba? Gusto ko sanang tumulong sa pag aayos sa mga girls nyo. By the way, mama po pala ko ni Kiry", sabi ni Tita at nakipag shake hands kay maam.

"Ganon po ba? Ay naku maraming salamat po Mrs. Lopez", naku maam! Wrong move!!

"Ms. Lopez", pag correct ni Tita.

"Oh! Sorry po".

"Ok lang.. But I prefer Lovely na lang".

"Sige.. Salamat ulit Ms. Lovely", sabi ni maam.

Kanya kanyang ayos na ang mga boys ng sarili nila. Buti pa sila, tamang gel lang, oks na. Samantalang kami, kailangan may make up pa. Hay nako.

Hinuli na nila kong ayusan kaya habang busy ang iba ay pumunta muna ko sa corridor at nagbasa muli ng script.

"Kinakabahan ka?", tanong ni Kiry matapos umupo sa tabi ko.

"Oo... Ikaw ba?", sagot ko.

"Oo... Kinakabahan din... Pero kaya yan", sabi nya.

"Oo nga.. Kaya natin yan!", sabi ko at huminga ng malalim.

"Basahin na natin tong script. Para kung sakaling may nakalimutan tayo", sabi ko sa kanya at sumang ayon sya.

Nung una'y nagbasa kami ng tahimik pero nagsalita sya.

"Sabi nila, mas makakabisado mo daw yung binabasa mo kung sasabihin mo ito at kung kikilos ka".

"Onga noh? Sige tara! Practice in na lang natin", sabi ko at tumayo. Tumayo rin sya.

"Wag na nga tayong mag script. Baka kase mas malito tayo eh", sabi ko.

"Hay naku! Wag ka kaseng kabahan! Relax ka lang", sabi nya at ipinatong ang kamay sa ulo ko. Gawin ba naman akong aso?

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon