Chapter 52: Text

41 12 0
                                    

Jane's Pov:

Malapit lapit na ang prom night namin kaya naman sinabihan na ko ni mama na humanap ng isusuot ko.

Nandito kami ngayon sa isang shop kung saan pwedeng mag rent ng mga gown. Sinama ko din si Kim para makapamili sya ng gown na rerentahan nya.

"Sige girls, hanap lang kayo dyan ng gusto nyo. Dapat mag mukha kayong maganda na dalawa dyan sa prom nyo", sabi ni mama.

"Opo", sabi naman naming dalawa.

Nilibot namin ang shop at nagtingin tingin ng isusuot.

"Eto kaya Jeng?", sabi nya sakin habang itinapat sa katawan ang isang cocktail dress na kulay pink.

"Wag yan! Di bagay sayo! Hanap ka pa iba", sabi ko.

"Sige sige", sabi nya at naghanap ulit ng iba.

"Eto ba? Pwede na?", tanong nya ulit habang pinapakita ang isang blue gown na medyo may pagka backless ang dating.

"Taray naman! Ang ganda ng design nya. Sukat mo nga!", sabi ko sa kanya.

Habang nagsusukat sya ay patuloy padin ang paghahanap ko ng maisusuot.

"Oh nasan na si Kim?", tanong ni mama.

"Nagsusukat lang po. San kayo galing ma?", pagbalik ko ng tanong sa kanya.

"Ahh dyan lang sa labas. May tinawagan ako eh", sabi nya.

Lumabas na si Kim sa fitting room at paglabas nya ay talagang namangha kami ni mama sa itsura nya. Ang ganda nya. Bagay na bagay sa kanya yung gown na napili nya.

Sana lahat bagay yung gown na napipili. Akin kase kung hindi masikip, sobrang sikip naman. Ang taba ko kase...

"Wow Kim! Ang ganda mo ah! Bagay talaga sayo yang napili mo!", sabi ni mama sa kanya.

"Talaga po tita?", tanong nya.

"Oo! Kahit nga di ka na mag ayos eh, maganda ka na", sabi ni mama.

"Ikaw Jeng? May napili ka na?", tanong sakin ni Kim.

"Wala pa nga eh", sagot ko. "Wala kaseng magkasya".

"Sus! Keri yan! Antayin mo ko magpapalit lang ulit ako", sabi ni Kim at pumasok na ulit sa fitting room.

Ilang saglit pa ay nakatapos na ulit magbihis si Kim habang ako, eto, wala pading maisusuot.

"Magpantalon na lang kaya ako tapos tshirt?", suhestyon ko.

"Gaga!", sabi saken ni mama.

"O kaya wag na lang ako umattend", sabi ko ulet.

"Sus! Last na naten ito eh. Di ka na nga umattend last year. Tas ngayon ulet?", sabi ni Kim.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon