Jane's Pov:
Buti na lang magaling na yung paa ko nayon. Nakapahinga ng isang buong araw kahapon eh. Ngayon pwede na kong pumasok.
Hindi muna ako nagtatatakbo at naglalalakad ng matagal baka kasi kumirot ulit eh.
Paglabas ko ng bahay ay nandoon na si Kiry na nag aantay sakin.
"Kanina ka pa?", tanong ko.
"Hindi naman. Ok ka na ba? Kamusta yang paa mo?", tanong nya.
"Eto ok na. Di na namamaga. Di na din naman sumasakit", sagot ko naman.
"Akin na yang bitbit mo", sabi nya at tinangkang kunin ang baunan ko.
"Sus! Kaya ko na toh", sabi ko at inilayo ang baunan ko.
"Wag kang makulit", sabi nya at kinuha ang baunan ko.
"Tara na", sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Huh?", napailing ako at sumabay na din sa paglakad nya.
Bakit nya pa kailangang hawakan yung kamay ko? Bumibilis na naman tuloy yung tibok ng puso ko.
Dapat bang tanggalin ko ito? Pero gusto ko din naman yung pakiramdam na toh. Gusto kong maramdaman yung init ng palad nya.
Pagdating namin sa school, tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay nya sa kamay ko. Ayaw ko kasing mapansin pa yon ng mga kaklase namin eh.
Pero hinawakan nya ulit ang kamay ko at sinabing, "Aalalayan na kita. Lampa ka pa naman. Mamaya masaktan ka na naman".
Di ko alam kung maiinis ba ko sa sinabi nya o kikiligin eh.
Dahan dahan kaming umakyat ng hagdan. Pumasok kami ng magkahawak ang kamay kaya nagsipag ngawaan na naman ang mga kaklase naming buang.
"Naku! Ano? Hanggang sa totoong buhay, pinanindigan nyo ang pagiging Toni at Justine nyo ah", biro nila.
Ngumiti lang sya at hindi umimik kaya ganon na lang din ang ginawa ko.
Pag upo namin ay inaya sya ni John na bumaba kay sumama sya rito.
Sa tabi ko naman ay ang nakatinging si Kim na di ko maintindihan ang itsura.
"Anong mukha yan?", tanong ko.
"Ano yun? Bat may paganon? Pahawak epek pa", ngurngur nya.
"Shhh! Ang ingay mo! Inalalayan lang naman nya ko eh", saway ko.
"Tsss... Nung sabado pa kayo ganyan ahh... Kala ko ba ayaw mo na?", bulong nya.
"Kala ko din eh", nakangiti kong sagot na naging dahilan para ma excite at manlaki ang mga mata nya.
Magsasalita pa sana sya kaso tinakpan ko ang bibig nya nang makitang papasok na sila Kiry.
Naroon na rin si maam sa likod nila kaya nagsipag upuan na kami.
"Good morning class", bati ni maam.
"Good morning maam", bati din namin.
"Kamusta ang play nyo? Meron ba kayong characters?", tanong ni maam.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Novela JuvenilAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...