Kiry's Pov:
Uwian na kaya naman nagmadali akong tumungo papunta sa room para kunin sana yung bag ko pero nakita ko sina Jane kaya huminto ako sandali para kausapin sila.
Sinabi ko sa kanya na hindi ako makakasabay pauwi. May lakad kasi ako. Nagpasama sakin si Jonah sa pagbili ng supplies.
"Uwi na ba tayo?", tanong sakin ni Jane. Uwian na kasi.
"Actually, yan nga sana sasabihin ko eh. Di ako makakasabay sayo umuwi ngayon, sorry", sabi ko.
"Ha? Baket?".
"May pupuntahan pa kasi ako eh".
"Edi hintayin na kita", sabi nya.
"Ahh wag na! Kasama ko kasi Jonah ngayon eh. Jeng, hindi ka maniniwala kung ano nangyari sakin ngayong araw! Kukwento ko sayo bukas. Sige una na ko ha", masaya kong sinabi at umalis na.
Nang makuha ko na ang gamit ko, nagtungo na agad ako sa waiting shed kung san nya sinabi na magkita kami.
Pagdating ko doon ay wala pa sya. Buti na lang. May oras pa ko para makapagpapogi.
Inayos ko ang buhok ko at nagpabango. Ilang saglit pa ay dumating na sya.
"Kanina ka pa?", bungad na tanong nya.
"Hindi ah! Kadadating ko lang din", sabi ko. "Ano tara na?".
"Sige", at nagsimula na kaming maglakad.
"Salamat ah..", pagpapasalamat nya.
"Wala yun. No ka ba", sabi ko.
Ilang saglit pa ay narating na namin ang grocery store.
"Ano ba mga kailangan nating bilhin?", tanong ko.
"Wait lang", sabi nya habang may kinukuha sa bag. Nang ilabas nya ito, napansin kong listahan ito ng mga bibilhin nya.
"Hmmmm.. Kailangan natin ng eggs", sabi nya. Tinungo nya ang Dairy Section at sinundan ko sya tulak tulak ang push cart.
Kukunin na sana nya yung isang tray pero nag insist ako na ako na lang.
"Ako na! Baka mabasag", sabi ko at nilagay ng dahan dahan ang tray sa push cart.
"Bat naman? Hello? Volleyball player kaya ko".
Tumawa lang ako. Muli nyang tinignan ang listahan at tinungo ang Produce Section.
"Naks naman! Mabuti yan! Gulay pampahaba ng buhay", sabi ko habang naglalagay sya ng iba't ibang gulay sa push cart.
"Syempre! Paborito ko kaya ang veggies", sabi nya at ngumiti.
Pagkatapos naming makakuha ng iba't ibang pagkain ay nagtungo naman kami sa Household Section.
"Ngayon bibili naman tayo ng mga kailangan ko sa paglalaba", sabi nya.
"Aba! Naglalaba ka pala", sabi ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Dla nastolatkówAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...