Kiry's Pov:
Di padin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Di ko akalaing yun pala ang dahilan ng pag iwas nya.
Masayang masaya pa naman ako pag kinukwento ko si Jonah sa kanya tas di ko alam... nasasaktan ko na pala sya.
Pagtapos ng mga nangyari kahapon, hindi na kami nakapag practice ng maayos kaya umuwi na lang kami nun.
Buti di pa kami nagkikita ni Jeng simula nung kahapon. Di ko kasi alam kung pano kikilos eh. Kung magso sorry ba ko? O lalayo muna din ako?
Pero ngayon, kailangan hindi muna ako maapektuhan. Ngayon ang araw ko. Kailangan maging handa ako.
Ito na ang araw na sasabihin ko kay Jonah ang nararamdaman ko. Kaya kahit medyo naguguluhan ako, pinilit ko munang ipagsawalang bahala iyon para makapag focus.
Matapos kong makapagpagwapo ay bumaba na ko at nagpaalam kay mama.
"Ma alis na ko ah", sabi ko kay mama at bumeso.
"Ayos ah bihis na bihis. Anong oras ka uuwi?", tanong naman ni mama.
"Di ko po alam. Text na lang ako", sabi ko.
"Oh sige. Mag ingat ah", sabi nya at umalis na ko.
Masaya akong sumakay sa tricyle at nagpababa sa court na malapit kila Jonah.
Umupo muna ako doon habang inaantay ang pagdating nya. Sakto at may naglalaro kaya't di ako mabo boring.
Ilang saglit lang din naman ay dumating na sya.
"Kanina ka pa?", tanong nya.
Tumayo ako at sinagot sya.
"Ahh hindi. Kadarating ko lang den", sabi ko naman.
"Weh? Sorry talaga ah.. Huminto muna kasi ko kanina sa paglalakad. Nakawala kasi yung aso eh. Takot pa naman ako dun", sabi nya habang naglalakad kami palabas ng court.
"Sabi ko kase sayo susunduin na kita eh".
"Hay naku! Sabi ko naman sayo diba, maissue yun si mama", sabi nya at sumakay na kami ng tricycle.
Napakaganda nya ngayon. Bagay na bagay sa kanya ang suot nya. Simple pero ang lakas ng dating.
Lalo tuloy akong kinabahan. Sana masabi ko ng maayos lahat ng mga sasabihin ko mamaya.
Ilang saglit pa ay narating na namin ang mall. Bumaba na kami sa tricycle at nagbayad. Pumasok na kami papasok.
"So... Ano ba talagang gagawin naten dito?", tanong nya habang papasok kami.
"Hmm... Gusto ko lang maglibang", sabi ko at ngumiti.
"Ha?", gulat nyang sabi.
"Tara!", sabi ko at masaya syang hinila papunta sa mga arcade.
"Laro tayo!", sabi ko pagdating namin sa Arcade.
"Arat!", sabi nya at ngumiti.
"Upo ka muna. Bibili lang ako ng tokens", sabi ko sa kanya at pinaupo sya sa bench.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...