Jane's Pov:
Pagkabalik namin sa taas ay nakapila na sila. Tinitignan nila kami habang papasok sa room upang ibalik ang mga gamit namin.
"Talagang nagpaganda pa kayo ah", sabi ni maam.
Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Nakakahiya! Bat ko pa ba kase naisipan mag ayos? Grrrrr!
Pumila na kami sa labas at bumaba na sa court. Kami ang unang section na bumaba doon.
"O sige. Section 1, umusog muna kayo dito dahil meron pang ibang sections na bababa", sabi nung isang teacher.
At yun nga ang ginawa namin. Umusog na kami sa may gilid at pumapasok na rin ang iba pang sections.
"Ok ngayon.. Lapitan nyo na ang mga partners nyo".
Nagkatinginan kami ni Kim. Napangiti sya at napapikit. Kinikilig tong mokong na toh! HAHAHAHAHA! Habang ako naman.. Ewan ko ba! Nahihiya ako.
Magkatabi lang kami ni Kim kaya nakakapag usap pa kami. Ilang saglit pa nakalapit na samin sina Jake at Kiry. Biglang natameme si Kim at ako naman, hindi ko matignan sa mata si Kiry.
"Hello...", bati samin ni Jake na abot tenga ang ngiti.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Hi!", sabi naman ni Kim.
"Bat ganyan itsura mo?", tanong ni Kiry.
Sabi na nga ba at pupunahin na naman nya itsura ko eh. Dapat talaga di na lang ako nag ayos! Hays!
"Bakit may mali ba?", sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Wala naman.. Cute mo nga eh. Kamukha mo si Elsa", sabi nya.
Bahagya akong napangiti.
"Nung nadapa", dugtong nya at tsaka tumawa.
Tinignan ko sya non ng masama. "Kelan nadapa si Elsa?", sabi ko sabay irap.
"Ok students", nagsalita na ang adviser namin.
"Ngayon, lahat kayo may partners na. So lapitan nyo na ang partner nyo at sisimulan na nating practice-in ang waltz", sabi ni maam.
"Diba naituro naman na yan sa kanya kanyang room nyo? So ngayon gusto ko lang makita ang pagsayaw nyong lahat ng sabay sabay", dagdag nya.
"So girls, ilagay nyo na ang kamay nyo sa mga balikat ng boys".
Ginawa naman ng nila ang sinabi ni maam. Pero mukhang pareho kami ni Kim na hindi sumusunod. Malamang sya nahihiya, kaya ayaw pa nya ilagay yung kamay nya. Eh ako naman, nabubwisit ako dito sa lalaking toh.
Tumingin ako kila Kim at Jake.
"Sana wag ka nang mailang", pagkasabi nyang yun ay kinuha nya ang kaliwang kamay ni Kim at ipinatong sa balikat nya.
Napatingin sa kanya si Kim. Sinagot ni Kim ang kanyang sinabi sa pamamagitan ng tango.
"Buti pa sila", napabulong ako sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Genç KurguAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...