Jane's Pov:
Sabado na ngayon at ngayon na ang general practice namin para sa play.
Naaalala ko yung huling sabado na nagpractice kami. Haha! Mukha talaga kong tanga non eh. Bat ba naisip kong gawin yun? Pero ngayon, naka blouse ako at nakapalda ng mahaba.
Kasama ko ngayon si Kiry sa tricycle papunta kila Stacy. Dun na namin napagdesisyunan mag practice. Wala kasing tao sa kanila ngayon at medyo malaki ang bahay nila kaya pwede kami dun.
"Kabisado muna lahat ng lines mo?", tanong sakin ni Kiry.
"Oum", sabi ko at tumango.
Ang hirap talaga iwasan ng taong toh! Lapit ng lapit... Tanong ng tanong... Sabagay... Magkaibigan nga pala kami.
Ilang saglit lang ay narating na din namin ang bahay nila Stacy. Pagpasok namin, madami dami na din sila pero may iba pang kulang.
Tinabihan ko si Kim na nakaupo sa sofa nila Stacy.
"Sila Niel na lang kulang. Nagchat sila sa gc, medyo malapit na daw sila. Tumulong sila sa pagbitbit ng props", sabi ni Stacy.
Ilang saglit lang din ay dumating na sila Niel daladala ang props na gagamitin namin.
"Hayy! Penge tubig! Ang init", sabi ni Niel.
Binigyan naman sila ni Stacy ng tubig.
"Oh guys! Tayo na dyan! Start na tayo para maaga makauwi", utos nya samin.
Tumayo na ko at ang iba. Nag assign muna sya ng mga maghahawak ng props at sa mga extras. Nung ma finalize na, nag simula na kami.
Mabilis namang naidaos ang iba sa mga scenes. Hanggang sa dumating na kami sa part na aamin na si Toni kay Justine. At ito ang pinakaayaw ko sa lahat!
Eto ang eksena----
Nakaupo kami sa isang bench at dun nagbatuhan ng linya.
"Alam mo, di ko talaga in expect na magiging magkaibigan tayo. I didn't expect na mababago mo ko", sabi ko as Toni syempre.
Ngumiti sakin si Kiry at inakbayan ako, "Alam mo, di lang naman ako yung nakatulong sa pagpapabago sayo eh. Tinulungan mo rin yung sarili mo. Sabi ko naman sayo eh, kakayanin mo kung gugustuhin mo".
Inalis na nya ang pagkakaakbay sakin.
"Oo tama ka nga. Kung di kita nakilala, siguro nakakulong na ko ngayon. Hahahahaa! Kaya laki ng pasasalamat ko sayo eh", sabi ko at ngumiti.
Grabe! Ang galing ko pala talagang umarte noh? Kaya kong magpanggap na ok kami ngayon...
"Ako din naman malaki pasasalamat ko na naging kaibigan kita eh. Marami din akong natutunan sayo. Kaya kwits tayo hahahaha!".
"You know what.. Di ko alam kung tama bang sabihin ko toh eh. Pero baka kasi pag di ko ginawa, baka pagsisihan ko buong buhay ko".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Novela JuvenilAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
