Jane's Pov:
Napakasaya ko para kay Kiry! Sya ang tinanghal na Prom King! Sobrang gwapo naman kase talaga nya. Mapasimple o mapabonggang outfit. Sya na ata ang pinakagwapo dito sa campus... Sa mga mata ko ha.. HAHAHHA!
Mas lalo pa syang gumwapo nung kinoronahan na sya. Gusto ko sanang lumapit at i cheer sya kaso mukhang tanga naman ako non diba?
Sino kaya ang Prom Queen? Haha. Alam ko namang malayong maging ako yun. Ang daming mas magaganda dyan kesa sakin. Mas sexy. Tas nakasalamin pa ko at maraming pimples. Higit sa lahat, chubby.
Mukhang may final dance pa si Kiry na pagseselosan ko ulit ah...
"Ano naman ang masasabi mo Mr. Lopez at ikaw ang kinoronahan bilang Prom King", tanong sa kanya ng MC.
"Ang masasabi ko lang... Sana maging Prom Queen yung babaeng gusto ko. Para sya yung maging final dance", sabi nya at ngumiti.
Nabigla ako sa sinabi nya. Pati ang mga kaklase ko nagulat den. Sino ba yung babaeng tinutukoy nya? Ok lang ba na mag assume ako.. na.. na ako yun?
"Aba! May bago atang gusto tong si Kiry ah.. O baka si Jonah paden? Ano bang sabi sayo, Amara?", tanong ni Zach.
"Wala naman syang sinasabi...".
"Ang sabihin mo, baka kay Amara na may gusto", sabi ni Jake.
Mapapangiti na sana ko kaso napaubo si Ashley kaya tumalikod na lang ako at humarap sa stage.
"Uhmm.. Pwede ba naming malaman kung sino yang babaeng tinutukoy mo?", tanong ulit ng MC pero umiling lang si Kiry.
"Mukhang pa mysterious pa si Kuya sa babaeng gusto nya. Pero para magka alaman na kung sya nga ba ang babaeng gusto nya, ia announce ko na ang ating Prom Queen...".
"Teka! Ito ang kauna unahang pagkakataon na mangyayare ito sa buong kasaysayan ng school na toh. Meron tayong triple tie at mukhang di mapagdesisyunan ng judges kung sino ang mananalo... Kaya naman... Sa ating Prom King manggagaling ang resulta".
Mukhang nabigla si Kiry sa sinabi ng MC. Sya ang mamimili sa tatlo. Sino kaya yung tatlo? Ang swerte naman nila.
"Tatawagin ko ang tatlong babaeng napusuan ng ating tatlong judges at lalapitan mo kung sino ang gusto mong maging Prom Queen. Ready ka na ba?"
"Grabe! Sino kaya yung tatlong yun?", sabini Danica.
"At sino kaya ang pipiliin ni Kiry?", sabi naman ni Mark.
"Di ko na patatagalin pa.. Ang unang lucky girl na pinili ng ating judges ay ikaw... Ashley Natividad", sabi ng MC.
Nabigla kaming walo. Lalo na si Ashley. Nanlaki ang mga mata nya at abot tenga ang ngiti. Mukhang pareho kami ni Zach na napaupo.
"Nice one Ash!", sabi ni Niel.
"Ms. Natividad, pumunta ka naman dito sa harap, please", sabi nung MC kaya dali dali syang tumakbo paharap.
Nagulat ako nang batukan ni Danica si Niel.
"Aray! Bakit? Para san ba yun?", sabi ni Niel.
"Nice one Ash ka pa dyan? Tignan mo yung dalawa oh!", sabi ni Danica at tinuro kami ni Zach.
"Oh? Ano meron?", pagkasabi non ni Niel ay muli syang binatukan. Napangiti tuloy ako.
"Ewan ko sayo! Wala ka talagang alam".
"Ang ating second lucky girl naman.. Ay walang iba kundi si... Jane...".
Napatingin ako sa stage nang marinig ang pangalang Jane. Napatingin din sila sakin.
"Amara!", sabi ni Danica.
"Reyes! Ms. Jane Reyes, come here!".
Ahh.. Sya pala. Yung kaklase kong kapangalan ko. Sya pala yun. Hindi ako. Masyado akong umasa. Haha.
"Takte! Akala ko ikaw na!", sabi ni Danica.
"May last spot pa naman eh", sabi ni Stacy.
"Hahahha! Ano ba kayo? Di naman ako makakasali dyan noh. Tignan mo mga itsura nila. Lahat sila magaganda. Ako lang tapon sa kanila pag napasama ako sa tatlong pagpipilian na yan", sabi ko at sarcastic na ngumiti.
"Ready na ba kayo sa pinakahuling babaeng may tsansang maging Prom Queen?", sabi nung MC.
Nangalumbaba na lang ako sa table at pinindot pindot ang glass ng iced tea.
"At ang huling babaeng tatawagin ko sa gabing ito ay walang iba kundi si...".
Hays. Nonsense den kung pakikinggan kita.. Masasaktan lang ako.
"Hoy bruha ka tinawag ka!", sabi ni Danica.
"Ha?", nagulat ako sa sinabi nya. Pinipindot-pindot ko lang kasi ang baso at hindi ako nakikinig.
"Hindi ka ba nakikinig? Amara Jane Bernardo daw! Kasama ka sa tatlo! Pumunta ka na dun sa harap!", sabi ni Jake.
"Ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na dyan at pumunta ka na don!", sabi nila.
"Ah.. Eh.. Sige..".
Tumayo na ako at lumakad papunta sa harap. Habang naglalakad ay naririnig ko ang mga sinasabi ng ibang mga tao.
"Naku! Bakit nakasali yan? Tignan mo naman yung beauty nung dalawa oh, pang Ms. Universe. Eh sya, pang Ms. Piggy with four eyes. Hahahaha!".
Ok lang yan Jeng... Ngitian mo lang...
"Sus! For sure si Ashley ang pipiliin ni Kiry. Kanina pa sila magkasama eh. Feeling ko nga magjowa sila eh".
"Weh? Eh bakit yung partner nya sa cotillion, hindi si Ashley. Yun oh! Yung partner nya".
"Syempre, mag best friend sila. Alam naman kasi ni Kiry na walang gustong pumartner sa best friend nya kaya nag sacrifice na lang sya".
"Ang bait talaga nya. Maawain masyado. Pogi na nga, cool pa! Sayang hindi ako nakasali sa 3. Dapat ako na lang pinalit dun sa Amara na yun eh".
Grabe! Maraming salamat sa lahat ng narinig ko. Naboost lalo yung confidence ko. Punyeta!
"Yan! Kumpleto ang tatlong magagandang dilag naten. Ngayon Kiry, pwede ka ng mamili ng gusto mong makapartner at hihirangin nating Prom Queen", sabi nung MC.
Nahihiya na ako. Bakit ba kasi napasama pa 'ko dito? Alam ko namang hindi ako mapipili. At higit sa lahat, pinagkakatuwaan pa ako ng mga tao.
"Isa ba sa kanila ang babaeng nagugustuhan mo?", tanong sa kanya ng MC.
Kahit nakayuko ay sinilip ko ang reaksyon ni Kiry. Mukhang nakangiti lang sya at hindi sinagot ang tanong.
"Aba! Smile means yes kaya? Sige Kiry, lapitan mo na ang babaeng gusto mong maging Prom Queen", sabi nung MC.
PUNYETA! Ayoko ng mga ganitong eksena kasi hindi ko alam kung maiiyak ba ako o mapapatakbo ako o ano?
-----------------------------------------------------------------
"Love will find a way".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Novela JuvenilAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...