Chapter 18: Sprained Ankle

53 16 0
                                    

Jane's Pov:

Nakabalik na kami sa pinag pa practice an namin. Maaga naman kami nakabalik, mga 1:20.

Napansin nilang nawala ang make up sa mukha ko.

"Amara bat tinanggal mo na yung make up mo?", tanong ni Ashley.

"Hindi na kasi ko kompurtable eh", sabi ko.

"Sayang bagay pa naman sayo", sabi nila.

Ngumiti na lang ako at nanahimik sa isang tabi.

Maya maya pa ay nakumpleto na kami at sinimulan ang pag-arte. Nahirapan akong gumalaw dahil sa sapatos na suot ko.

Unang scene pa naman kasi ay ang pagnanakaw ko. Meron doong part na tatakbo ako. Pano naman ako makakatakbo nito?

"Amara ayusin mo naman pagtakbo mo", sita ni Stacy.

"Sorry...", marahan kong sabi.

"Patakong takong pa kasi di naman pala kaya", narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko.

Huminga ko ng malalim at inulit ang scene na pina practice namin. Inayos ko ang takbo ko na para bang naka flat shoes ako at ayon!

Naputol ang takong ng sapatos ko at na sprain ang ankle ko.

"Huy? Ok ka lang Amara?", sabi ng mga concern kong kaklase.

"Ano kaya mo bang tumayo?", tanong ni Stacy.

Sinubukan kong tumayo kaso napasigaw lang ako sa sakit.

"S-sorry Stacy...", sabi ko. Naiiyak na ko ano ba yan!

"Unahin nyo munang practice in yung scene nila Red. Mamaya na kami ni Jeng pag gumaling na tong paa nya", sabi ni Kiry.

"Oh sige. Ikaw na muna bahala sa kanya, Kiry ah", sabi ni Stacy.

"Sige sige".

"Oh balik na ulit dito yung iba! Practice na ulit tayo", yaya ni Stacy sa iba kong mga kaklase.

"Bat naman kasi ganon yung takbo mo?", tanong ni Kiry habang tinatanggal yung dalawa kong sapatos.

"Ayoko lang kasing naririnig na sinasabi nila na porket ganto itsura ko ngayon eh nag iinarte na ko", nakayuko kong sinabi.

"Sus.. Hayaan mo sila. Ano bang pake nila sa itsura mo? Insecure lang yong mga yon".

"A-anong gagawin mo?", sabi ko matapos nyang tangkaing ilapit ang mga kamay sa alakalakan ko.

"Malamang bubuhatin ka. Gusto mo bang dito kita gamutin sa lapag?", sabi nya.

"Ah.. ahh... S-sige. Salamat", utal kong nasabi.

Binuhat nya ako at marahang iniupo sa may bench. Iniunat nya ng marahan ang paa ko at ipinatong ito sa bench.

"Dyan ka lang ha. Wag ka aalis dito. Bibili lang ako ng bandage at ice. Babalik ako", bilin nya.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon