Chapter 32: Stone Cold

42 11 0
                                    

Jane's Pov

Matapos yun ay napagod na sila ng totoo kaya nagsipag upuan na sila.

"Oh kami naman", sabi ni Kim pag tayo nya.

"Oo sige! Inyo na yang mic! Hahahaha!", pang aasar sa kanya ni John.

"Talaga! Tara Amara!", sabi nya at tinangka akong higitin patayo.

"Ah.. Eh.. Ayoko..", sabi ko at umiwas.

"Sige na! Tara na!", pagpupumilit nya.

Nagpaawa sya eh kaya anong magagawa ko. Di ko naman kayang tiisin tong bruha na tayo.

"Hay... Sige na nga", sabi ko at tumayo.

Actually gusto ko din naman kaseng kumanta 'coz singing is my hobby. Pero wala talaga ko sa mood ngayon eh.

Pero si Kim eh! Hay! Pagbigyan na nga!

Natuwa naman ako sa pinili nyang kanta para sa amin. Yung paborito namin.

Ako, ako ang kaibigan mo
Di mawawala sa piling mo
Dumaan man ang mga bagyo
Andito lang ako para sayo

Masaya kaming kumanta at nakikanta rin ang iba naming kasama. Matapos iyon ay bumalik na ko sa upuan ko pero nanatili syang nakatayo at hawak ang mic.

"Guys! Lets do this together!", sabi nya habang nagpe play ang tugtog.

Hay Kim! Kabulastugan mo talaga!

Ako'y nasa malete alasyete ng gabi!

Syempre nakisabay sa kanya yung mga boys. Nakakatawa sila. Nasa gitna pa talaga si Kim na may hawak ng mic at sumasayaw habang kumakanta.

Oh madalas!
Lumalabas!
Banyo queen!

Matapos nilang kumanta ay may dumating na bantay at nagsalita.

"Limang minuto na lang po ang natitira", sabi nya at agad na umalis.

"Ayy! Sino pa bang di nakakakanta ng solo? Sulitin nyo na!", sabi ni Stacy.

"Oh ikaw Amara! Sayo na yung last song!", sabi ni Kim.

"Oo nga Amara! Ikaw singer dito eh", pag sang ayon ni Ashley.

"Ay.. Ayoko.. Hindi.. Iba na lang", sabi ko naman.

"Sus! Dali na Amara!", sabi ni Danica.

"Ayoko nga!", sabi ko.

"Sige naa!", pagpupumilit ni Kim.

"Hayaan nyo kung ayaw nya! Kakanta lang eh napaka arte pa. Masasayang lang limang minuto dyan!", sabi ni Jake.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon