Kiry's Pov:
"Jonah, salamat ah. Hinayaan mo kong samahan ka", sabi ko pagdating namin sa bahay nila.
"Anong salamat? Ako nga tong dapat magpasalamat eh. Kung wala ka, siguro lugmok parin ako ngayon. Siguro wala din akong katulong magbitbit ng mga toh. Kaya Kiry...", sabi nya at hinawakan ang kamay ko. "Salamat ahh".
Binitawan na nya ito at tsaka ako nagsalita.
"Wala yun! Basta pag may problema ka ulit. Tawagan mo lang ako. Pupuntahan ulit kita. Magkaibigan naman na tayo diba?".
"Ikaw din ah! Pwede ka magsabi sakin pag may problema", nakangiti nyang sinabi.
"Pano ko magsasabi? Wala kong number mo", pasimple kong sabi. Hahahaha! Para makuha ang numero nya.
"Ayy! Hahahaha! Akin na phone mo", sabi nya kaya ibinigay ko ito sa kanya.
Matapos nyang itype ang number nya ay binigay na nya ito sakin.
"Oh yan na!".
"Yon! Hahaha! Salamat", sabi ko.
Syempre para makasiguro, tinawagan ko ang number na nilagay nya.
Tumunig ang cellphone nya at tinignan ako.
"Segurista ka pala", sabi nya at tumawa.
Tumawa rin ako bago nagsalita.
"Hindi. Syempre para may number ko din ikaw".
Biglang may lumabas na babae. Mukhang ito ang mama ni Jonah.
"Ginabi ka yata?", sabi nito.
Nagmano muna si Jonah bago sya nagsalit.
"Sorry po ma. Kumain po muna kami bago umuwi eh. Sinamahan po kasi nya ko mag grocery kaya nilibre ko po muna sya. Nakakahiya naman po kasi kung hindi eh", paliwanag nya.
"Sino ba yang kasama mo?", tanong nito.
"Ayy.. Si Kiry po pala ma, kaibigan ko po. Kiry, si mama", pagpapakilala nya.
Nagmano ko syempre. "Good evening po tita".
"Good evening din. Salamat sa pagsama at paghatid sa anak ko ah".
"Wala po yun tita".
"Gabi na rin. Igi pa sigurong umuwi ka na at baka hinahanap ka na din ng mga magulang mo".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Ficção AdolescenteAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...