Chapter 10: Ferris Wheel

74 19 0
                                    

Jane's Pov:

Pagkatapos naming kumain ay napagtripan naming sumakay sa iba't ibang rides hanggang sa nakita naming 1 oras na lang ang natitira.

"Roller Coaster naman tayo!", sabi nila kaya sumama na ako.

Sa roller coaster, dalawang seats na magkatabi lang tas sunod sunod na yon hanggang likod. Bale 10 seats yon kaya may kasabay kaming apat na ibang mga estudyante.

"Kapit ka lang ng mahigpit sakin", sabi ni Kiry nang makasakay na kami sa pinakaunahan. Dun nya kasi gustong sumakay kaya sumunod na lang ako.

Kumapit ako sa damit nya pero tinanggal nya iyon.

"Akala ko ba kapit lang ako sayo? Bat tinanggal mo?", sabi ko.

"Bat kasi sa damit?", sabi nya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. "Dapat sa kamay".

Hindi ko alam pero para bang nagkamalisya ako sa sinabi nya. Pero madalas naman kaming maghawak ng kamay. Pero ngayon ko lang toh naramdaman.

Hayyy! Kung ano ano kasing pinagsasabi ni Kim eh. Kung ano ano tuloy naiisip ko.

Pinaandar na ang roller coaster at sobrang nakakabingi ang mga sigawan ng mga nakasakay.

Hindi ko na nagawang sumigaw. Nakapikit lang ako at nakakapit ng mahigpit sa kamay ni Kiry.

Pagbaba namin iba ibang emosyon ang ipinahayag ng bawat isa.

"Grabe! Gustong gusto ko talaga yung part na bumaliktad tayo! Ang lupet!", sabi ni Niel.

"Oo pre! Para kong masusuka non eh! Hahaha!", sabi naman ni John.

"Sus! Sumisigaw nga kayong dalawa ng mama. HAHAHAHA!", sabi naman ni Kim.

"Di na ko uulit don", sabi naman ni Danica.

"Alas otso na! Balik na ba tayo?", sabi ko.

"Gusto kong sumakay sa Ferris Wheel", sabi ni Kiry. Seryoso? HAHAHA!

"Anong oras na eh.. Baka di tayo makarating sa bus on time", sabi ni Danica.

"Next time ka na lang sumakay sa Ferris Wheel, pre!", sabi ni Niel.

"Sige mauna na kayo. Sasakay muna ko", sabi nya.

"Mag isa ka lang?", sabi ni Kim.

"Sasamahan ko muna sya", sabi ko. Kawaea naman kasi toh kung iiwan ko mag isa.

"Ano? Wala ng iba pang sasama?", tanong ni Kay.

"Wag na! Magsolo muna kayo!", sabi ni John at kumindat.

"Bye lovebirds!", sabi ni Kim at hinila ang iba naming kaklase paalis.

"Loko talaga si Kim", sabi ko at natawa.

"Tara na! Ang haba ng pila", sabi nya at hinigit ako papunta sa pilahan.

Nakasakay naman kami bago mag 8:15. Saktong 15 mins. naman ang pag ikot ng Ferris Wheel kaya malamang 5 mins. kaming late na makakabalik sa bus.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon