Chapter 67: Afraid

37 10 0
                                    

Kiry's Pov:

"Malaking kasalanan yun Jonah. Tsaka di mo man lang ba naisip.. Pano yung bata? Ni hindi man lang nya makikita yung mundo.. Wag mo namang ipagkait sa magiging anak mo yung mundong toh", sabi ko sa kanya at umiling iling sya.

"At ano? Lalaki syang walang tatay? Lalaki sya tas malalaman nya na naging batang ina ako at yung tatay nya walang kwenta? Ayokong mangyari yun".

"Pero karapatan nya yun. Ano naman kung wala syang ama? Bakit ako? Nagawa akong palakihin ng mama ko ng mag isa. Kahit wala akong papa, masaya ako kase mahal ako ni mama at alam kong magiging ganon ka din balang araw. Mabait ka Jonah. Kaya wag mo nang saktan ang sarili mo... Please..", sabi ko.

"Natatakot ako. Natatakot ako sa sasabihin ng mga tao sa paligid ko. Ayokong husgahan nila ko. Tsaka pano na yung volleyball? Ano nang mangyayari sa buhay ko? Napakabobo ko kase! Bakit ba tinanggap ko pa sya?! Bakit ba...", patuloy ang pagsasalita nya at patuloy din ang pagpukpok nya sa ulo nya.

Hinawakan ko ang kamay nya para tigilan na ang pagpukpok nito sa ulo nya at niyakap sya.

"Pagsubok lang yan. Hindi yan ibibigay ni Lord kung hindi mo kayang harapin.. Magtiwala ka lang. At wag mong sisihin ang sarili mo. Ang dapat mong gawin, sabihin yan sa pamilya mo para matulungan ka nila", sabi ko hababg yakap sya. Sinubukan ko rin syang patahanin habang hinihimas ang likod nya.

"Hindi ko kaya.. Baka mamaya, magalit sila.. Ayoko..".

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"Kaya mo yan..".

Naramdaman kong may nagva vibrate sa katawan ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Jeng.

"Sandali lang Jonah ah..", sabi ko at sinagot ang tawag.

"Hello? Jeng?", sabi ko pagsagot ko ng tawag. Narinig kong bumuntong hininga sya. Naalala ko ang usapan naming dalawa.

"Jeng... Galit ka ba? Sorry kung late ako.. Nasan ka na ba? So-".

"Nasan ka?", tanong nya.

"H-ha? Ako..".

"Sabi ko nasan ka?".

Hindi ko alam ang sasabihin. Dapat bang sabihin kong andito ko kasama ni Jonah. Napatingin ako kay Jonah at umiiyak pa den sya.

"Sorry talaga Jeng. Please, magpapaliwanag ako-".

"Kiry, tinatanong ko kung nasan ka. Pwede ba sagutin mo na lang yung tanong ko?!", napasigaw sya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Malapit na ko sa meeting place naten.. Tatlong kanto na lang andun na ko. Papunta na ko. Ikaw ba asan ka na? Andyan ka pa ba? Kung andyan ka pa, hintay-".

"Wag na! Wag ka nang pumunta".

"Ha? Teka nga.. Amara nasan ka ba? Papunta na nga ako.. Hintayin mo lang ako".

"Hindi na Kiry... Umalis na ko.. Wag ka nang pumunta. Wag ka na ding magpakita sakin kahit na kailan. Wag na!", sabi nya at binaba ang tawag.

"Aalis ka?", tanong ni Jonah pagkapatay ko ng phone ko.

"Jonah sorry.. Gusto talaga kitang samahan ngayon pero kailangan kong puntahan si Jeng nagyon... Wag ka mag alala ikukuha na lang kita ng tricycle tas-", sabi ko at nagtangkang tumawag ng tricycle pero nagulat ako nang hawakan nya ko.

Lumapit sya at tsaka ako niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang malalim nyang buntong hininga at ang mga luhang pumapatak sa damit ko.

"Please.. Wag kang umalis... Wag mo kong iwan.. Natatakot ako..", sabi nya.

Anong gagawin ko? Galit ngayon sakin si Jeng at natatakot naman ngayon si Jonah. Ayokong magalit sakin si Jeng pero... Napakasama ko namang lalaki kung iiwan ko sya dito mag isa lalo pa at bumubuhos na ang ulan.

"Oo sige di na ako aalis.. Pero sandali..", sabi ko at kinuha ang payong sa bag.

"Makakasama sayo kung magkakasakit ka.. May payong ako.. Halika dito", sabi ko at pinayungan sya.

"Kailangan mo nang umuwi para makaligo para di ka magkasakit.. Teka.. Kumain ka na ba?", tanong ko.

Umiling lang sya.

"Halika maghanap na tayo ng tricycle para mahatid na kita sa inyo", sabi ko.

Huminto sya sa paglalakad. "Natatakot akong sabihin kila mama...".

"Kaya mo yan.. Sasamahan kita..", sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Maya maya pa ay nakahanap na kami ng tricycle at pinapasok ko na sya. Tumabi ako sa kanya.

Mukhang napagod sya sa pag iyak at sa mga nangyari kanina. Napansin kong nakapikit sya kaya sinandal ko sya sa balikat ko.

Napalingon ako sa daan. Nadaanan namin ang fence na dapat pagkikitaan namin ni Jeng. Wala sya roon.

Jeng.. Patawarin mo ko.. Di ako nakarating.. Magpapaliwanag talaga ko sayo bukas.. Sana maintindihan mo..

Ilang saglit pa ay narating na namin ang bahay nila kaya ginising ko na sya at inalalayang makababa.

"Mukhang wala si mama..", sabi nya. "Tara na..".

Pumasok na kami sa kanila. Kahit nakapayong kami ay nabasa parin kami.

"May takure ba kayo? Mag iinit ako ng tubig para makaligo ka at makainom ng gatas..", sabi ko.

Lumapit sya at iniabot ang takure.

"Sige na magpahinga ka na muna dyan. Aayusin ko lang ang makakain mo", sabi ko.

Nagpainit ako ng tubig at naghanap ng pwedeng lutuin sa cabinet nila. Nakakita ako ng noodles at mukhang may kanin pa naman sila kaya yun na lang ang niluto ko.

"Etong noodles na lang ang lulutuin ko para mainitan ka..", sabi ko.

Hindi sya sumagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto. Ilang sahlit pa ay kumulo na ang tubig kaya tinimplahan ko na sya ng gatas.

Inayos ko na ang mga pagkain at inihain sa mesa.

"Jonah?", pagtawag ko sa kanya.

Nakita ko syang nakatulog na sa sofa. Gisingin ko pa ba?

Ginising ko na lang sya. Kailangan nyang mainitan at makakain para di sila magkasakit ng baby nya.

Sinaluhan ko sya sa pagkain at pagkatapos nun ay sinabi ko sa kanyang maligo na sya.

Nilagyan ko ng mainit na tubig ang tubig na ipaliligo nya. At inayos ko na ang mesa at nagsimulang maghugas.

"Dahan-dahan ka sa banyo baka madulas ka ha?", bilin ko.

Naramdaman ko palapit sya at niyakap ako patalikod.

"Maraming salamat sa lahat, Kiry..", sabi nya.

"O sige na maligo ka na at matulog. Masama sayo ang magpuyat".

Maya maya pa ay nakatapos na din akong maghugas at nilinisan ko na rin ang bahay nila. Napatingin ako sa orasan at mukhang alas nwebe na.

Ano na kayang ginagawa ni Jeng ngayon?

Nagulat ako nang may pumasok na babae sa bahay nila. Ang mama nya pala. Nagulat din sya nang makita ako. Nagmano ako.

"Magandang gabi po. Hinatid ko lang po si Jonah. Naulan po kasi sya at mukhang may sakit", sabi ko.

"Ganun ba?", sabi nya lang.

"Kung matatandaan nyo po, ako po si Kiry. Yung kaibigan po ng anak nyo".

"Oo, naaalala kita...".

"Kayo na po ang bahala kay Jonah. Mauuna na po ako".

"Ah.. Sige.. Salamat..".

Umalis na ko ng bahay nila at umuwi.

-----------------------------------------------------------------

"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon