Kiry's Pov:
Nakakabadtrip talaga! Napakaepal nitong si Zach! Kung kailan aayain ko na sumayaw si Jeng, tsaka pa umeksena! Kala ko ba gusto nya si Ashley, eh bakit ngayon dikit sya nang dikit kay Jeng? Kanina pa sila magkasama ah!
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehowTumugtog na ang last music para sa last dance. Hindi ito ang tugtog na binoto ko. Pero kahit na, gusto ko pa ring si Jeng ang babaeng maging last dance ko.
Nakita kong bumitaw na si Jeng kay Zach kaya tumayo na ako para puntahan sya. Mukhang may tinatanaw tanaw sya.
Biglang lumapit sakin si Ashley. "Kiry?".
Napalingon ako sa kanya at nagsalita. "Please mamaya na".
Paglingon kong muli sa direksyon ni Jeng, nakita kong hawak-hawak na sya ng isang lalaki sa bewang. At ang masama pa rito, ito yung lalaking nag-alok sa kanya ng sayaw kanina.
"Gusto ko lang naman tanungin kung pwede ba tayong sumayaw for the last time?", sabi ni Ashley na mukhang upset.
Hindi ako sumagot at imbes ay nakatitig lang sa direksyon nila Jeng.
"Sige, aalis na lang ako", sabi nya at nagtangkang maglakad papalayo.
Ahh ganon, Amara? Sige, sya na lang ulit ang isayaw mo!
"Sandali!", sabi ko kay Ashley.
Hinigit ko sya sa gitna at hinawakan ang bewang nya.
"A-anong ginagawa mo?", tanong nya.
"'Di ba gusto mong sumayaw tayo?", sagot ko.
"Ayos ka lang ba? Kung napipilitan ka lang w-".
"Hindi ako napipilitan. Ilagay mo na lang yung kamay mo sa balikat ko at ang isa naman ay dito sa kamay ko".
Ginawa nga nya ang sinabi ko. Sa pagsasayaw namin ay hinanap ko ang direksyon ni Jeng at nung nagtama ang mga mata namin, nagulat nalang ako ng irapan nya ko.
Hh! Ikaw pa talaga may ganang magalit ah?
Napangisi ako at napa iling iling.
"Bakit ka umiiling?", tanong ni Ashley.
"Wala naman.. Hindi ko lang gusto yung tugtog", sagot ko na lang.
Naiinis ako sa sitwasyon. Bakit nya ko inirapan? Sya nga 'tong kung sino-sino ang sinasayaw, sya pa itong galit?
"Talaga? Alam mo ba, yan yung kantang binoto ko? Akala ko parehas tayo ng binoto", sabi naman nya.
Tuloy-tuloy lang ang pagsasalita nya pero hindi ko sya pinakikinggan. Saan kaya pumunta yung babaeng yun?
"Ayan na yung mga petals! Tara Kiry, sumalo tayo".
"Pasensya na pero pupunta muna kong cr", sabi ko at umalis na.
Pumasok na ko sa cr at naiinis na talaga ako. Kumalma ka boi!
Huminga ako ng malalim at nung susuntukin ko na sana ang pader ay may narinig akong babaeng sumigaw. "Ahh!".
"Parang si Jeng yun ah?".
Lumabas ako ng cr at paglabas ko ay nakita ko sa kabilang cr si Jeng. Napatingin sya sakin at inalis din agad ang tingin. Nagdire-diretso sya ng paglakad.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...