Kiry's Pov:
Nakauwi na ako sa bahay at nakita kong naroon na ang kotse ni mama. Ibig sabihin nandito na sya. Pero mamaya pa dapat sya uuwi ah. Bakit naman sya napaaga?
Pumasok na ko ng pinto at nakita ko syang pababa na ng hagdan.
"Saan ka galing?", bungad nya.
Pasagot na sana ko kaso nagsalita syang muli.
"Akala ko ba umalis kayo ni Jeng? Bakit sabi ni tita Janice mo nasa hospital si Jeng?", sabi nya at naghahanda papalabas.
"Ano po? Bakit daw sya nandon?", tanong ko.
"Ewan ko nga. Tara na bilisan mo. Pumunta na tayo don", sabi nya.
Sumakay na kami sa kotse at nagsimula nang magdrive si mama. Idinikit ko ang mukha ko sa bintana ng kotse at nag-isip ng malalim.
Anong nangyari sa kanya? Bakit sya dinala sa ospital? Dapat kase pumunta ako! Anong gagawin ko 'pag may nangyaring masama sa kanya?
Naalala ko bigla ang huling mga salitang sinabi nya sakin.
"Wag ka nang pumunta. Wag ka na ding magpakita sakin kahit na kailan. Wag na!".
Maya-maya pa ay narating na namin ang ospital na pinagdalahan kay Jeng. Pinark na ni mama ang kotse at agad naming hinanap ang room nya.
Sa hallway, nakita naming papasok si tita Janice sa pinto at tinawag sya ni mama.
"Janice!", sabi ni mama at agad na lumpit sa kanya.
Nagyakap sila at lumapit naman ako sa kanila.
"Sige Kiry, puntahan mo muna sa loob si Jeng", sabi ni mama.
Kinakabahan ako. Ano ang magiging reaksyon nya 'pag nakita ako? Magagalit kaya sya? Sisigaw? Dapat ba kong magpakita?
Kahit nanginginig ay pinihit ko ang doorknob at marahang binuksan ang pinto. Nakita ko agad si Jeng na nakahiga patalikod sa pinto.
"Kuya Kiry! Ikaw pala!", bati ni Jing.
"Oh Jing! Kamusta? Anong nangyari sa ate mo?", tanong ko.
"Sa totoo lang kuya, hindi kami ok. Ayan si ate, tulog ulit. Kagigising lang nya kanina natulog ulit", sabi nya.
"Kailan sya natulog?", tanong ko habang inaakay nya kong maupo sa may upuan.
"Kanina lang po paglabas ni mama", sabi nya.
Mukhang ayaw nya talaga ko makita.
"Ano daw ba nangyari? Bakit sya sinugod sa ospital?", tanong ko.
"Nahimatay daw sa daan", sabi nya.
"Ha?? Ano?!".
"Nahimatay po sya sa may daan. Buti na nga lang po may nakakilala sa kanya eh tapos dinala sya rito sa ospital".
"Sino daw nagdala sa kanya?".
"Yung nag-ayos daw po sa kanya nung prom nyo".
"Hayys buti na lang. Eh asan na?".
"Umuwi na po".
"Ahh.. Bat ba sya nahimatay?".
"'Di ko po alam eh".
"Kawawa naman sya", sabi ko at napa buntong-hininga.
"Mas kawawa ka kuya. Ilang oras ka nag antay eh. Nabasa ka pa ng ulan", sabi nya.
"Ha?", pagtataka ko.
"Kase sabi ni ate di daw kayo nagkita. Kase daw papunta palang daw sya sa lugar na pinag usapan nyo nung tumawag si mama".
Napailing ako at hawak sa noo. Kasalanan ko toh eh. Kung dumating ako ng maaga, edi sana di ka nagkaganyan. Sorry talaga Jeng.
"Nabasa rin ba sya ng ulan?", tanong ko.
"Opo ata eh", sabi nya. "Ahhh!".
"Baket?".
"Baka yun yung dahilan kung bakit sya nahimatay?".
"Ang alin?".
"Kasi ganon yung mga napapanood ko sa drama eh. Yung umuulan tapos may tatawag sa'yo na may masamang balita tapos bigla ka mahihimatay".
"Ano bang sabi ni Tita Janice sa tawag", tanong ko.
"Kasi po kanina nakausap namin si papa. May sakit daw po. Kailangan na daw po nya magpa-opera. Agad-agad daw po", sabi ni Jing.
Mas lalo akong naawa sa kalagayan ni Jeng.
"Kaya po pagkatapos ng recognition ko, tsaka moving up ni ate, pupunta na po kami kay papa. Gusto kase namin kasama nya kami habang nagpapa-opera para maging safe sya".
"Ahhh.. Gaano naman kayo katagal don?", tanong ko.
"Hanggang sa gumaling daw po si papa. Pero, matagalan daw po na gamutan yun kaya sabi ni mama, dun na daw po kami mag-aaral. Ayaw po kase ni papa na tumigil kami kasi naggagamot sya", sabi nya.
Nagulat ako sa narinig ko. Sumikip ang dibdib ko kaya't napahawak ako rito.
Aalis na sya? Hindi ko kaya! Jeng, wag mo kong iwan, please! Mahal kita.
"A-anong sabi ng ate mo? Pumayag sya?", tanong ko.
"Syempre po. Si papa yun eh", sabi nya.
Oo nga naman... Napaka selfish ko kung uunahin ko tong nararamdaman ko. Pero di ko na sya makikita gaya ng dati. Ngayon pang galit sya. Ayokong umalis sya ng hindi kami ok.
"Pero syempre po nahihirapan kami ni ate. Hindi pa naman ako marunong mag-english. Tsaka marami kaming friends na maiiwan dito. Lalo na po kayo ni ate. Close na close pa naman po kayo. Diba po?", tanong nya.
"Oo nga eh. Ayoko din naman malayo sa ate mo kaso kailangan kayo ng papa nyo. Kaya magpakabait kayo dun ha. Wag pasaway. Sundin mo sya lagi, pati sila tita. Tsaka tawagan nyo kami ha?", sabi ko.
"Syempre naman, kuya Kiry", sabi naman nya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Tita Janice at mama.
"Pwede na daw tayong umuwi", sabi ni Tita Janice.
Lumapit sya kay Jeng at ginising ito. Nagising rin naman ito agad.
Sumakay na kami sa kotse. Inalalayan namin si Jeng papasok. Halatang iwas sya sakin.
"Ma, kaya ko na po. Di po ako baldado. Sige na po sumakay na rin po kayo sa harap", sabi nya.
Umupo sya sa dulo at tinabi nya sa kanya su Jeng habang ako naman ay sa kabilang dulo.
Pinatakbo na ni mama ang kotse. Habang nag uusap sila mama sa harap ay nakatulog naman si Jing. Si Jeng naman ay nakatingin lang sa binta. Ayaw talaga akong pansinin.
Kinuha ko ang cp ko at nagtype. Kamusta?
Eh ang panget! Ano ba pwede kong sabihin? Hello? Ehh panget din.. Ok ka ka lang? Haysshhhh!
Sinend ko na ang text ko na ang nakalagay ay sorry. Napansin kong naramdaman nya ang pag vibrate ng cp nya pero hindi nya ito pinansin bagkus ay pinikit na lang nya ang mga mata at sumandal sa bintana.
-----------------------------------------------------------------
"There are wounds that never show on the body that are deeper and more hurtful than anything that bleeds."
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...