Jane's Pov:
Maaga akong nagising ngayon kaya maaga akong nakapag handa.
Kumain kami nina Mama at Jean ng sabay sabay.
"Buti naman maaga ka nang nagising ngayon", sabi ni mama.
Ngumiti lang ako tas kumain na ulit kami.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami ni Jean para maligo.
"Oh bilisan nyo maligo ah. Ako na maghuhugas", anang mama.
Pinauna ko na maligo si Jean kaya umupo muna ako sa sofa.
"Mukhang uulan ahh.. Magdala kayo ng payong ahh", sabi ni mama nang matapos maghugas at tumabi sa akin.
"Si Jing na lang pagdalahin mo ng payong ma. Isa lang naman payong naten eh", sabi ko.
"Dalawa! May payong ako dyan. Yung violet".
"Sayo na lang yun ma. Aalis ka mamaya diba?".
"Oo nga pala. Eh pano ka?".
"Magja jacket na lang po ako. Tsaka baka may dala naman pong payong si Kay".
At lumabas na nga si Jean ng cr.
"Ate ikaw na!", sabi nya kaya tumayo na ako nagpaalam kay mama.
"Sige po. Ligo na ko ma".
Tumango lang sya kaya pumasok na ko ng cr.
Syempre dahil maaga aga ang gising ko ngayon, nagpakababad ako sa banyo.
Pa cute muna sa salamin bago ligo. HAHAHAHAH!
Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ko ng cr nagpunta sa kwarto ko para magbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko na ang mahiwaga kong salamin at sinuot ito.
Bumaba na ako dala ang bag ko habang nagsusuklay.
"Kunin ko na po itong baon ko ma!", sabi ko habang nilalagay sa bag ko yung baon ko.
"Sige! Una na kami ate. Hatid ko lang si bunso", sabi ni mama.
"Sige ma! Alis na din po ako eh. Babye!", sabi ko.
Lumabas na sila mama at nagsapatos na ako. Tapos, sinara ko na yung pinto at kumatok kila Kiry.
Pagkakatok ko ng pang apat na beses ay lumabas na sya.
"Tara na!", sabi nya at lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
