Jane's Pov:
Eto na... Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magmumukha akong maganda. Ang araw na maisasayaw ako ng lalaking mahal ko. Ano kayang mga mangyayari mamaya?
Ngayon ay alas 8 palang ng umaga at mamayang hapon pa mag-uumpisa ang prom namin. Sa school lang naman ito gaganapin pero pinaganda talaga namin ang set up.
Malawak naman ang school namin kaya kasya kami. May mga spots na din doon kung saan nakalagay ang mga pagkain, kung saan ang guests, ang teachers at syempre ang students.
Maagang umalis si mama at sinabing hindi sya makakabalik bago ako pumunta sa school kaya binilin nya ko kay tita. Nag-iwan din sya ng pera pambayad sa mag aayos sakin mamaya.
"Ate, excited ka na ba?", tanong sakin ni Jing habang naghahanda ako ng almusal namin.
"Oo naman!", sabi ko at ngumiti.
"Bakit? Eh diba di ka naman mahilig sa mga ganyan? Last year nga, 'di ka umattend. Pero ngayon, pasayaw-sayaw ka pa dyan habang nagluluto. Siguro excited ka kasi si Kuya Kiry partner mo noh?", panunukso nya.
"Aba loko kang bata ka! Kebata-bata mo, yan na naiisip mo", sabi ko sa kanya pag upo ko sa mesa.
"Bakit? Hindi mo ba sya gusto?", sabi nya at umupo na din.
"Magkaibigan lang kami", sabi ko.
"Ganon? Sayang, mukha pa namang gusto ka nya", sabi nya at sumubo ng kanin.
"TALAGA?! Bakit? Paano mo nasabi?", natanong ko sa kanya.
"Lagi ka kaya nyang hinahanap sakin 'pag nagkikita kami. Bago nya 'ko ilibre, tatanong muna nya saken, 'asan muna ate mo?'", sabi nya.
Kinilig ako sa sinabi nyang yun kaya napapikit ako at ngiti.
"Syempre joke lang ate! 'Di nga kami nagkikita eh. Asa ka naman dyan! HAHAHAHA!", bawi nya.
"Aba! Bwisit na toh! Wag kang kumain!", sabi ko at kinuha ang plato nya.
"Joke lang eh! Pero alam mo ate bagay kayo! Gusto ko si Kuya Kiry para sayo", sabi nya at muling kumain.
Napangisi na lang ako sa sinabi nya.
"Miss ko na si papa", bigla nyang sabi.
"Ako nga den eh. Bakit kaya 'di pa sya tumatawag since Monday? Ano kayang nangyari?", sabi ko.
"Baka busy lang. Ganito din sya last year eh, diba? Yun pala inaasikaso nya yung pagpunta nya dito. Malay mo may surprise ulit sya".
"Hmmmm... Sana nga", sabi ko sa kanya. "Oh sige na bilisan mo na at maghuhugas ka pa".
"Hala bakit ako maghuhugas?!".
"Kailangan maganda ko ngayon. Bawal madumihan ang kamay ko. Baka gumaspang pag sinayaw ako ng mga nagkaka-crush sakin sa school", sabi ko sabay dila.
Pagtapos namin kumain ay naligo ako. Buti nauto ko si Jing na maghugas. Dala-dala ko ang cellphone ko habang naliligo at doon nagpatugtog.
"Dahil sayo ako'y matapang! Dahil sayo ako'y lalaban!", pakanta-kanta pa ko habang nagsasabon ng katawan.
Sumasayaw pa ko habang nagbubuhos ng tubig. Nagconditioner din ako para lumambot ang buhok ko 'pag inayusan ako.
Mga tatlong beses ko atang sinipilyo ang ngipin ko at naghilamos nang naghilamos ng mukha. Alam kong 'di agad yun kikinis sa kakahilamos, pero pwede yung matakpan ng make up mamaya. Ahihihihi!
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...