Jane's Pov:
Papasok na kami ni Kiry ngayon. At ayun, pagpasok namin, iba't ibang pakulo ang mga pinaggagagawa ng boys para sa mga girls na gusto nila maging partner.
Mukhang kakatapos lang ni Niel mapa oo si Dan ah! Sayang di namin naabutan. Pero parang may pa banner si Niel.
Hay nako! Nagkalat ang mga bulaklak dito! Nakakainggit ah! Este nakakairita.
Pumunta na kami ni Kiry sa upuan namin at doon ay masayang nag aantay samin ni si Kim.
"Oh ito! Sinarapan ko yan ah!", sabi ko at iniabot sa kanya ang graham cake.
Tuwang tuwa naman si gaga. Parang maiiyak pa ah! Hahaha!
"Whaaa! I love you na talaga beh! Maraming maraming salamat!", masaya nyang sabi at niyakap pa ko bago kunin ang cake.
"Sayang di nyo naabutan mga ganap kanina", sabi nya.
"Kaya nga eh. Eh ikaw? Kelan mo ba aalokin si Benedict?".
"Ngayon na habang wala pa si maam", sabi nya. Patayo na sana sya nang may makaagaw sa atensyon namin.
Kakaiba ang itsura ni Mark ngayon. Halatang pinaghandaan ang araw na ito. Napaka manly nya tignan ngayon. At may dala pa syang gitara ah.
Teka? Naggigitara ba toh?
Natuon sa kanya ang atensyon ng buong klase.
"Hoy pre! Nakain mo?".
"Mark ampogi mo ngayon!".
Pumunta si Mark sa harap at umupo sa upuan ni maam. Inilapat nya sa katawan ang gitara at nagsimulang magsalita.
"Hindi ako yung tipong masurpresa. Hindi ako yung tipong pang ideal man. Hindi ako gwapo. Hindi ako masyadong ma appeal. Pero ngayon, sinubukan kong magpagwapo. Sinubukan kong mag aral maggitara. Gusto ko kaseng ayain yung isang babaeng nakabihag ng puso ko eh. Matagal na din kitang gusto. Di ko lang masabi sayo. Pero ngayon narealize ko, grade 10 na tayo. Kaya dapat sabihin ko na to sayo. Di mo man ako gusto, sana hayaan mo na lang ako na gustuhin ka. At alam mo ba, di ako um attend last year ng prom kase wala ka naman don. Kaya ngayon, sana pumayag kang maging partner ko...".
Nanlalaki ang mata naming lahat. Sino kaya ang babaeng tinutukoy nya? Grabe! Tumatayo balahibo ko.
"Stacy...".
Stacy?! Sya pala! Grabe! Di namin nahalata!
Lahat kami napatingin kay Stacy. Nanlalaki ang mata ni Stacy at mukhang gulat na gulat sya. Nakatingin lang sya kay Mark at nagsimulang kumanta si Mark.
I was too dumb to notice that there's something about you.
What am I supposed to do?
I sure wish I knew.
Halatang nagsisimula palang sya sa paggigitara pero grabe ang ganda pala ng boses nya nakakainlab!
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
