Chapter 54: Necklace

41 10 0
                                    

Kiry's Pov:

Anong oras na? Malapit na pala mag alas dose. Nakaligo naman na ako kanina pa at kakatapos ko lang ayusin ang buhok ko. Buti kaming mga lalaki, tamang lagay lang ng gel, eh yung mga babae, malamang nagme-makeup pa yun.

Ano kayang hitsura ni Jeng mamaya? Malamang maganda yun. Hindi na 'ko makapaghinntay na makita sya!

Maya-maya lang ay dadating na rin si mama para ihatid kami sa school ni Jeng kaya inayos ko na ang sarili ko. Nagpulbo muna ako para magmukhang gwapo. Pero gwapo nga pala ko kahit 'di ako magpulbo. Hays.

Sinuot ko na ang suit ko at tsaka nagpabango nang nagpabango. Humarap ako sa salamin at tsaka ngumiti.

"Ngayon sabihin mo, sinong gwapo?", nasabi ko sa salamin.

Kinuha ko ang isang maliit na jewelry box na kasama ng binili naming suit. Hindi alam ni mama na binili ko ito.

Matapos kong magpagwapo ay bumaba na ako at nagsapatos. Nilock ko na ang bahay at nagtungo kila Jeng.

"Hoo! Hoo!", hinga ako ng hinga.

Di ko alam kung bakit ako kinakabahan pero kaya ko toh! Kiry! Itayo mo ang bandera ng mga Lopez!

Kumatok ako sa pintuan nila Jeng at pagbukas ng pinto ay bumungad si Jing.

"Wow kuya Kiry, ang pogi mo naman!", sabi ni Jing.

"Ayy! Nambola pa 'tong bata na toh. Asan ate mo?", tanong ko.

"Nasa taas po kuya. Kanina pa nga po yun dun eh. Pasok po muna po kayo", sabi nya kaya pumasok ako at naupo sa sofa.

"Jean! Andyan na ba si Kiry?!", tanong ni Jeng mula sa taas.

Napangisi ako. Talaga 'tong babaeng toh!

"Oo kanina pa! Bilisan mo na dyan!", sigaw ko.

"Oo! Eto na pababa na!", sigaw nya.

Nakatingin ako sa may kisame non nang may biglang yapak mula sa hagdan akong narinig. Marahan akong napatingin sa hagdan at hinanap kung saan nagmumula ang yapak na iyon.

Una kong nasilayan ang isang simpleng sapatos. Mayroon itong takong ngunit maliit lamang. Sumunod kong napansin ang laylayan ng damit kung saan ay napatingin ako pataas at doon ko tulunyang nasilayan ang mala-anghel na babaeng pababa ng hagdan.

Napatayo ako nang makita ang buong hitsura ni Jeng. Tila ba napakabagal ng paggalaw sa paligid. Yung tipong wala akong ibang naririnig kundi ang pagbaba nya at walang ibang nakikita kundi ang ngiti nya.

Natulala ako sa ganda nya. Grabe! Ni hindi ako makapagsalita nang makita ko sya. At ang tibok ng puso ko, naging abnormal na.

"Kanina pa daw! Sinungaling toh! Eh kara- Ahh!", sabi nya habang pababa at muntik na syang malaglag dahil sumabit ang takong nya kaya dali-dali akong napatakbo sa hagdan.

"Ayos ka lang?!", tanong ko.

Nakita ko ang ganda nya ng mas malapitan. Amoy ko rin ang halimuyak nya. Para bang pinaliguan sya ng sandaang rosas sa hardin.

"Oo.. HAHHAHAHA!", aba't natawa pa sya.

"Talagang natawa ka pa ah?", sabi ko.

"Eh pano kase, nakatulala ka habang pababa ako. Gandang-ganda ka saken noh?", sabi nya.

"Yieeeeeeeee!", panunukso ni Jing.

"Shh! Manahimik ka nga dyan. Pati bata naririnig ang kasinungalingan mo", sabi ko at natawa si Jing.

"Ahh sige pagtulungan nyo pa kong dalawa!", sabi nya. HAHAHAHA! Ang cute nya.

"Oyy ate! Kala ko ba hihiramin mo yung necklace na binigay sakin ni Kuya-".

"Aisshhh! Hindi na! Hindi na ko magkukwintas! Maganda naman ako kahit wala ko non", sabi nya.

"Ahhh... Pati bata aagawan mo ng kwintas. HAHAHAHHAA", pang aasar ko.

"Hindi ko na nga hiniram 'di ba?", sabi nya at ngumuso pa.

"HAHAHAHA! Dapat lang!", sabi ko at lumapit sa kanya. "Pwede naman kasi kitang bigyan din. Bakit kailangan pang hiramin mo yung kay Jing?".

Nagulat sya nang isinuot ko sa kanya ang isang kwintas na may pendant na hugis puso.

"H-ha? Anong ginagawa.. mo?".

"Oh yan. May sarili ka ng kwintas! Lagi mong suotin yan ha! Babatukan kita 'pag nakita kong hindi mo yan suot", sabi ko.

Natawa sya sa sinabi ko.

"Salamat!", binatukan nya ko at tsaka sya tumawa. Pang-asar ka ha.

"Aba!".

*beep beep*

"Mukhang nandyan na si mama! Tara labas na tayo", sabi ko.

"Sige tara na! Alis na kami Jing ah!", sabi nya at lumakad pero pinigilan ko sya.

"Huh? Bakit?", tanong nya.

"Mmm..", sabi ko at inialok ang kamay ko.

Napatingin sya sa kamay ko at napatingin sakin. Hindi nya ba alam ang gagawin sa lalaking nag-aalok ng kamay? Hay nako Amara! Pasalamat ka mahal kita!

"Haysss!", pagkasabi ko nun ay kinuha ko ang kamay nya at ikinawit ito sa kamay ko.

Natawa sya sa ka-slowan nya at napakamot pa.

"Kumapit ka ng maiigi, baka mafall ka", sabi ko at ngumiti ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

Napatingin sya sakin at napalayo ang mukha. Napailing-iling sya. Lumabas na kami ng pinto at naglakad. Bago kami makarating sa tapat ng kotse ay dinugtungan ko ang sinabi ko sa kanya.

"Pero wag kang mag alala", sabi ko habang nakatingin sya sakin.

Tumingin ako sa kanya at sinabing, "Sasaluhin naman kita".

Pagkasabi ko nun ay nginitian ko sya at kumindat bago ialis ang tingin sa kanya.

Mukhang kinilig sya sa sinabi ko. Namula lalo ang pisngi nya.

Nagtungo na kami sa kotse. Pinagbuksan ko sya ng pinto. "Sakay na, binibini!".

"Ewan ko sayo! Monggoloid!", sabi nya at pumasok na sa kotse. Sya na rin ang nagsara ng pinto.

"Grabe, di man lang nag thank you!", nasabi ko sa sarili habang naglalakad papunta sa front seat.

Pumasok na ko at umupo. Tumingin ako sa salamin ng kotse kung saan nagtama ang mga mata namin. Dinilaan nya ko at tsaka binaling ang tingin sa bintana.

Natawa ako sa ginawa nya kaya humarap ako sa gawi nya.

"Pssst!", tinawag ko sya at pagharap nya ay dinilaan ko din sya.

"Bleh!", at bumalik na ko sa pagkaka ayos ng upo.

Napansin kong natatawa sya kaya napangisi ako.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang school. Bago kami bumaba ay kinausap kami ni mama.

"Bantayan nyo ang isa't isa ha? Text nyo 'ko 'pag uuwi na kayo, okay?".

"Opo, ma".

"Yes, tita!".

"O sige na. Mag enjoy na kayo sa loob", sabi ni mama.

Bumaba na ako ng kotse at muling pinagbuksan si Jeng ng pinto. Inalalayan ko sya pababa.

"Salamat, panget!", sabi nya at ngumiti.

"Babye, tita", pagpapaalam nya pag alis ni mama.

"Tara na!".

-----------------------------------------------------------------

"You'll know you're falling in love when the feeling of falling actually feels like you're floating."

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon