Chapter 30: Disco Booth

50 11 0
                                        

Jane's Pov:

7:30 am. Tapos ko na lahat ng kailangan kong gawin at nakapagpaalam na din ako kila mama.

Paglabas ko ng pinto ay napalingon ako sa bahay nila Kiry kung saan ay nakita ko rin syang palabas.

Although nakapag decide na kong hindi umiwas, syempre medyo ilang paden ako. Gusto ko padin naman kase sya eh kaya ang hirap kumilos gaya ng dati. Yung kahit na sobrang lapit na namin sa isa't isa wala kong paki. Eh ngayon kase may malisya na.

Ngumit sya saken nang makitang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian ko na rin sya pabalik.

"Alis ka na?", tanong nya sakin.

Tumango ako.

"Sabay na tayo", alok nya sakin.

"Sige", matipid kong sagot.

Naglakad na kami papunta sa main road para makapag back ride. Di gaya ng dati, may kalayuan ang distansya namin sa isa't isa. Pero ok na yun. Atlis maayos na.

Habang naglalakad kami, tahimik lang ang paligid. Walang nag aasaran, walang tawanan, walang habulan. Tanging paghinga lang namin ang naririnig namin.

"Kamusta?", pagbasag ni Kiry sa katahimikan.

"H-ha?", sagot ko. Syempre nabigla ako.

"Sabi ko kamusta ka", pag ulit nya.

"O-ok naman. Humihinga pa din. Ikaw?".

"Hahahahha! Ewan ko sayo".

Nagkibit balikat lang ako habang tumatawa sya. Ilang saglit pa ay nakasakay nadin kami.

"Ang ibig kong sabihin kanina kung kamusta na yang nararamdaman mo para sakin. Wala na ba?", sabi nya.

"H-ha?! Ha?!", yan lang ang nasabi ko.

"Ahh meron pa", pang aasar nya.

"Ang kapal din talaga", sabi ko naman.

Mahina lang syang natawa. Kapal nya ah!

Pagdating namin sa room ay umupo na kami sa mga upuan namin at sakto namang pagdating ni maam.

"Good morning class", bati ni maam.

"Good morning maam", bati namin kay maam.

"Ok. Diba sabi ko kahapon papanoorin ko yung play nyo? Now let me see. Iurong nyo na yung mga upuan nyo then start", utos ni maam.

Sinunod naman namin ang utos ni maam. Pagkatapos naming maiusog ang mga upuan ay pumwesto na kami sa harap at nagsimulang umarte.

Tuloy tuloy at maayos naman ang play. May nagkakamali, oo, pero continue lang. At yung mali nila hindi naman kapansin pansin.

Yung mga iyak iyak scenes syempre di muna namin binigay ang lahat lahat. Tas nagpaka professional muna ko. Hahahaha! Huwaw!

"Very good!", bati ni maam matapos ang play.

"Buti naman at maayos na ngayon", sabi nya ulit.

"Syempre naman maam!", gatong pa ng mga kaklase ko.

"Ok. Since ok naman na yung play nyo, magparticipate muna kayo sa mga booths sa baba. Sulitin nyo na ngayon dahil bukas buong araw na kayo magpa practice. Yun na yung pinaka general. Ok?", sabi ni maam.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon