Kiry's Pov:
"Oyy pre!", bati sakin ni John pagpasok namin ni Jeng sa room.
Tumango lang ako at umupo na sa upuan ko.
"Three... Two... One..", bilang ko.
Sabi ko na nga ba eh. Dun sya uupo sa upuan ni Kim. Wala pa kasi si Kim. Maaga aga din kami pumasok ngayon eh.
Bakit parang ang daming nag iiba? Ang oras ng pagpasok namin. Ang paraan ng pag uusap namin. Lahat..
Pagdating ni Kim, wala naman syang choice kundi tumabi sakin. Eh pano nakaupo na sa upuan nya si Jeng.
Ngayon naman ay lunch time na. Alam ko namang di ulit ako sasabayan ni Jeng eh kaya naman sumama na ko kila John.
Pumunta kami nila John, Niel at Danica sa canteen. Dun kami umuupo sa pwesto namin lagi.
Dati kasi madalas kaming magkakasabay mag lunch nina Kim, Jeng at sila. Pero pansin kong mas dumadalas ang pagsosolo nilang dalawa. Ano ba talagang meron?
"Guys, hindi ba kayo nagtataka kila Kim? Bakit kaya di na sila sumasabay kumain satin?", tanong ni Niel.
"Hindi nga din ako kinakausap ni Amara eh", sabi ko naman.
"Nag away na naman ba kayo?", tanong ni John.
"Hindi naman. Pag galit naman yun nagpaparinig yun eh. O kaya pinapakita nya talagang galit sya. Pero ngayon, sobrang lamig ng pakikitungo nya sakin pre", sabi ko.
"Pansin ko nga rin eh", sabi ni John.
"Wala ba silang nakukwento sayo Dan?", tanong ko kay Danica.
"Wala eh. Nakakapagtampo nga", sagot nya naman.
"Siguro may problema lang sya kaya wala sa mood. Ang tamlay nya den sa room eh", sabi ni John.
"Eh bat hindi nya sabihin sakin? Bestfriend nya ko diba?", sabi ko naman.
"Baka naman umiiwas?", sabi ni Niel.
"Iwas? Bat naman sya iiwas sakin?", tanong ko.
"Aba malay ko. Ikaw ba Danica? Kelan ka ba umiiwas sa isang lalaki?", ika ni Niel.
"Oh bat ako?", tanong naman ni Danica.
"Eh syempre.. Babae ka... Kaya baka mas alam mo yung dahilan nya", sabi ulit ni Niel.
"Hmm... Depende kase sa babae yan eh. Pero ako.. umiiwas ako sa lalaki pag nai issue ako".
"Issue? Bat naman yun iiwas dahil sa issue? Ano namang ii issue samin? Eh halos buong school alam naman na mag best friends kami. Tsaka ikaw kase may Niel ka kaya nai issue ka. Eh yun wala namang kaamor amor yun sa mga love life na yan", sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Genç KurguAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...