Chapter 21: Friend Zoned

50 11 0
                                    

Jane's Pov:

Nakakairita talaga! Nabwisit ako kay Kiry kahapon. Iwan ba naman ako?! Hello? Best friend nya kaya ko? Porket crush nya lang yung Jonah na yun! Tssss... Pasalamat sya mahal ko sya!

Paglabas ko ng bahay, nakita ko syang nakatayo sa may pader. Nakatingin sya sa malayo. Inirapan ko sya at naglakad na ko.

"Hoy Jeng!", sigaw nya nang makitang naglalakad na ako. Hinabol nya ako at inakbayan.

"Di mo naman ako tinawag", sabi nya. Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakaakbay sakin at dumistansya.

"Luh? Problema mo?", pagtataka nya.

Tinignan ko sya at inirapan tsaka ngumisi.

"Wiws! Bat ka ba galit? Ano bang ginawa ko?", tanong nya habang kinukulit ako.

"Wow ha?", patawa kong sinabi. "Ano teh? Amnesia lang?".

"Ano nga kasi?! Bat ka ba nagagalit?".

"Ewan ko sayo".

"Sorry na sa kung ano mang nagawa ko sayo. Bati na tayo. Yieee! Sige na Jeng", talagang nagawa nya pa magpa cute ah. Di mo ko madadala sa ganyan par.

"Di mo nga alam kung para san yang sorry mo eh. That means di ka talaga sincere".

"Ano ba kasi kinagagalit mo?".

Huminto ako na naging dahilan para mapahinto rin sya. Humarap ako sa kanya at nagsalita.

"Tsaka mo na lang ako kausapin pag alam mo na kung bat ako galit. Ha?", ngumiti ako sa kanya ng pilit at nagsimula na muling maglakad.

"Jeng!!!", paghabol nya.

Pagdating namin sa school, nauna akong nakapasok dahil mas mabilis ang paglakad ko kesa sa kanya.

"Amara!", paunang bati ni John. Nginitian ko lang sya.

"Si Kiry?", panirang tanong nya. Hindi ko sinagot yun at umupo na ko. Nagkibit balikat lang sya.

Ilang segundo lang din ay pumasok na si Kiry na nakabusangot.

"Oy pre!", sabi ni John at tinaas ang kamay para makipag apir pero nilagpasan lang sya nito.

"Awtssss!", pang aasar ni Kim.

"Hmmm... Mukang may something ah!", sabi ni Danica.

"Tsk tsk tsk! Ang cold naman... Yakapin mo nga ko Danica ko", pang aasar ni Niel at tinangkang yakapin si Danica.

"Subukan mo", sabi nya at tinaas ang kanang kamay na para bang manununtok.

Dumating na si maam at nagsimula na ang klase. Hindi ko talaga sya pinapansin. Inis ako sa kanya.

Nagpapapansin sya pero iniirapan ko lang sya.

Dumaan ang break at lunch time namin pero di ako sumabay sa kanya. Imbes, dun kami kumain ni Kim sa corridor.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon