Chapter 41: Broken Glass

48 11 0
                                    

Kiry's Pov:

"Hi ma!", pagpasok ko pa lang ay nakita ko na si mama kaya't bumeso na 'ko at iniabot ang bulaklak.

"Happy valentines po".

"Thank you, anak. Sige magbihis ka na at kakain na tayo".

Umakyat na 'ko sa taas at nagbihis. Habang nagbibihis ako, naalala ko yung nangyari kanina. Yung galit na galit sakin si Jeng kase walang totoo sa sinabi ko sa laro.

Napangiti ako at napatingin sa salamin. Nilapit ko ang mukha rito at inayos ang buhok. Napatingin ako sa bintana ko.

Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Nakita ko ang bintana ni Jeng sa kwarto nya. Nakasara ito.

Ano kayang ginawa non sa bulaklak?

"Hoy Kiry! Bakit ang tagal mo?", nagulat ako nung sumigaw si mama.

"Opo, nariyan na!", sabi ko habang sinasara ang bintana at dali-daling nagbihis.

Bumaba na ako at kumain na kami ni mama.

"Oh, kamusta naman Valentines mo?", tanong ni mama.

"Ok lang naman po. Maganda kinalabasan nung performance namin".

"Wala ka bang kadate?".

Nabilaukan ako sa sinabi ni mamang iyon.

"Date? Ano ba yan ma? Kanino naman ako makikipagdate?".

"Si Jeng", sabi ni mama.

"Ha? Sa kanya? Naku, malabo po. Mas malabo pa sa mata nya. Tsaka dapat nga po pinipigilan n'yo 'ko sa mga ganyan eh".

"Baliw toh. Tinatanong ko kung si Jeng may date ba?".

"Ahh... wala din po".

"Wala? Eh bakit ang tagal nyo umuwi? Baka kayo nagdate? Hahahha!".

"Hay naku mama!".

"Bakit? Maganda naman si Jeng ah. Mabait pa, matalino, maalagain. Tsaka ten years na kayong magkaibigan. Mas kilala nyo na yung isa't isa".

"Hay nako ma! Ano po bang meron? Bakit ganyan mga topic nyo?".

"Alam ko kase nak, malaki ka na. Binata ka na. Grade 10. Alam ko din yung feeling ng ganyan. Ayoko lang kasing maglihim ka sakin. Papayagan naman kita sa gusto mo eh. Basta maging open ka sakin. Okay?", tanong nya.

"Opo...".

"Oh sige na. Bilisan mo kumain".

Pagkatapos ko maghugas ay dumiretso na ako sa kwarto para matulog. Syempre bago matulog, cp muna.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon