Chapter 39: The Game

52 11 0
                                    

Jane's Pov:

Naglakad na kami palabas ng school. Ako ang nasa gitna saming tatlo.

"San ba tayo pupunta?", tanong ni Kiry.

"Basta..", sagot ni Kim.

"Cellphone ka ng cellphone dyan! Pag ikaw nadapa, tatawanan lang kita", sabi ko naman.

Ilang saglit pa, nung malapit lapit na kami sa gate, napahinto sya.

"Oy guys!", sabi nya. "Nasa Meet Your Garden daw sila Benedict! Tara punta tayo dun!".

Hay nako! Si Benedict kase yung bokalista ng school band namin. And sa totoo lang, crush na crush sya neto ni Kim.

"Ano naman kung andon sila?", sabi ko.

"Tange! Magpeperform daw sila sabi ni Ashley", sabi nya.

"Ayy weh? Bakit daw?", tanong ko.

"Ewan ko den eh.. pero punta tayo!".

"Sus! Ang dami daming tao dun eh!", sabi ni Kiry.

"Ok lang yan! Tsaka ayaw nyo non, mapapanood naten sila?".

"Sus! Eh kung ako nalang panoorin mo kumanta.. Libre na mas magaling pa", sabi ni Kiry.

"Libre din naman yun eh. Tsaka anong mas magaling? Mangarap ka! Sige na kase guys punta tayo! Whaaaaa! Marinig ko lang boses nya masaya na Valentine's ko!", sabi ni Kim.

"Sige na nga, tara na!", sabi ko.

Natuwa naman sya sa sinabi ko. "Talaga?!".

"Oo nga!".

Hanla! Parang tanga si gaga. Nagsasasayaw sa sobrang tuwa at excite.

"Kinikilig ako!!!".

"Huy! Umayos ka nga! Nakakahiya ka kasama!", sabi ni Kiry.

Tinapik ko sya sa sinabi nya. Although biro yun syempre nakaka offend paden yun. Lalo na lalaki nagsabi non sa babae.

"Tse! Wala kong pake!".

Pagkasabi nya non ay may nakabangga syang isang babae at isang lalaki. Napayuko sila kaya di ko agad namukaan eh.

"Hala sorry po!", sabi ni Kim.

"Ayan! Sabi ko kase sayo w-", napahinto si Kiry sa pagsasalita nang makitang ang nakabangga pala ni Kim ay sina Jonah at Troy.

"Uy! Kiry, ikaw pala yan?", sabi ni Jonah.

Tumango lang si Kiry at kitang kita ko naman ang pagkapeke ng ngiti nya.

"Sorry po talaga sa pagkabangga ko sa inyo. Di ko po kayo nakita, ang harot ko kase", sabi ni Kim sa kanila.

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon