Kiry's Pov:
Naglalakad na ako pabalik sa room habang naririnig ko ang napakaingay kong mga kaklase. Pagkapasok ko ay agad akong tinawag ni Niel.
"Oyy Kiry, andito na si Amara oh".
Nilingon ko sya at nagkasalubong ang mga mata namin ni Jeng. Agad nyang inalis ang pagkakatingin nya sa akin. Mukhang galit padin sya hanggang ngayon.
"Halika dito!", pagyaya nila.
Sa totoo lang nahihiya akong lumapit sa kanila lalo pa't di kami ganon kaayos. Di ko alam pano ako kikilos.
"Totoo bang lilipat na sa ibang bansa sina Amara?", tanong ni Kim.
"Oo", sagot ko.
"Ha?! Bat di mo sinabi samin?", tanong ulit ni Kim.
"Gusto ko kase sya na magpaalam sa inyo", sagot ko ulit.
"Pano yan, di nyo na makikita ang isa't isa? 10 years kayong laging magkasama tas di na kayo magkikita. Kaya nyo ba yun?", tanong ni John.
Nagulat ako sa tanong ni John. Parang patama sakin eh. Ngayon pa nga lang na hindi kami nag uusap ng ilang linggo di ko na matiis, yun pa kayang di kami magkita ng taon.
Hh! Hindi nya sinagot ang tanong. Mukhang kaya nya palang di ako makita't makasama.
"Babalik naman sila eh", sabi ko na lang.
"Excuse lang ah. Cr lang ako", sabi nya at tumayo na.
Naglakad sya sa gilid ko. Nagkatinginan kami. Tinignan ko ang mga mata nya na para bang sinasabing, "bumalik na tayo sa dati, please".
Pero imbes na ngitian o tanguan man lang ako ay inirapan nya pa ako at tsaka umalis. Ano bang nagawa kong mali?
Naiwan kami doong nagkukwentuhan habang si Kim naman ay bumaba at mukhang susundan si Jeng.
Napaisip ako. Ano bang dapat kong gawin? Gusto ko nang makipag ayos. Sana naman kase pakinggan nya yung explanation ko.
Walang ano ano'y bumaba na rin ako at hinanap sya. Wala na sya sa cr. Hmm... Nasan yun?
Kung saan-saan ko sya hinanap. Sa cr, sa canteen, sa library. At nung napagdesisyonan kong tumigil na ay nahagip sya ng mata ko doon banda sa may garden.
Kasama nya si Kim at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Lumapit ako at nagtago sa may pader. Pinakinggan ko ang usapan nilang dalawa.
"Kaya nga! Magkwento ka! Ano? Kamusta? Anyare? Huling usap naten last week pa ata eh. Nung bago kayo magkita ni Kiry. Anong nangyare?", rinig kong sabi ni Kim.
"Pwede ba? Ayokong makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya. Ayokong marinig yung pangalan nya. Ayoko syang pag usapan. Ayoko syang makita", sabi ni Jeng.
Totoo nga talagang ayaw nya kong makita at makasama. Totoo pala yung sinabi nya sa phone. Ang sakit. Para bang natapon yung 10 years namin dahil lang sa hindi ko pagsipot na yun.
"Baket, ano bang nangyare?".
"Basta. Ayoko nga syang pag usapan diba?".
"Oo na. Ok kalma".
Napahawak ako sa dibdib ko at napansin ang luhang pumatak mula sa kanang mata ko. Pinunasan ko ang luhang iyon at naglakad papalayo.
Nagugulumihanan ako. Ano bang dapat na gawin ko? Dapat bang lumayo na ako? Kase sya narin naman na mismo ang nagsabing ayaw na nya kong makita pa.
Sa pag iisip ko ay biglang nag ring ang bell kaya balisa akong bumalik sa room. Pagbalik ko ay nakita ko si Jeng na nakaupo sa ibang upuan.
Iniiwasan na talaga ako...
Umupo na lang ako sa upuan ko at nag antay na mag uwian. At syempre, sumapit na nga ang oras na hinihintay ko. Bumalik sya sa upuan nya upang ayusin ang gamit nya.
Inayos ko na rin ang gamit ko at sasabay na sana ko sa kanya umuwi pero nagmamadali syang nagpaalam.
Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit. Pagkatapos ay bumaba na rin ako.
Nagtatalo ang isip ko habang naglalakad ako nang biglang may babaeng umakbay sa akin. Oo. In expect kong si Jeng yun pero nung lingunin ko...
"Oh Jonah! Ikaw pala!", sambit ko.
"Bakit mukha kang basang sisiw dyan? May diba magandang nangyare?", tanong nya.
"Hmmmm... Wala naman", sagot ko naman.
"Pauwi ka na ba?", tanong ko.
"Yah! Ikaw?".
"Oo".
"Sabay na tayo?".
"Sige!", sabi ni Jonah. Napansin kong may tinitignan syang kung ano sa likod.
"Amara?", sabi nya kaya napalingon ako.
Nabigla ako nang makitang si Amara nga iyon. Di ko alam ang gagawin. Akala ko ba nakauwi na sya?
Nginitian nya kami at hinigit naman ako ni Jonah papalapit sa kaniya.
"Uuwi ka na ba? Tara sabay sabay na tayo", sabi ni Jonah.
Napangisi sya kaya napatingin ako sa kanya. Anong reaksyon yun?
"Hindi na. May pupuntahan pa ako eh. Ingat na lang kayo", sabi nya na halatang halata naman ang pagkapeke ng ngiti.
"Una na ako ah", sabi nya.
Kiry! Aalis na sya! Kumilos ka!
Hinawakan ko ang kamay nya kaya natigilan kami parehas. Tinignan ko sya sa mata. Nagtalo ang mga ideya sa isip ko.
Idea 1: Pigilan mo sya. Sabihin mo sa kanyang kayo na lang magsabay dalawa.
Idea 2: Bitawan mo na sya. Ayaw ka nga nyang makasama diba? Pakawalan mo na.
Idea 3: Pre, kasama mo si Jonah. Isipin mo magiging reaksyon nya.
Idea 4: Mahal mo si Jeng. Ipaglaban mo. Wag mong hayaang umalis sya ng ganto kayo.
Idea 5: Wag mo nang pilitin pa yung taong ayaw naman sayo. Umiiwas na nga kinukulit mo pa.At nagdesisyon na akong bitawan ang kamay nya. Hindi ko alam pero sa lahat ng ideyang pumasok sa isip ko, nangibabaw sakin yung palayain sya. Kase yun naman yung gusto nya.
Matapos kong marinig yung sinabi nya kay Kim, parang nawalan na rin ako ng pag asang maayos pa yung saming dalawa.
Inalis na rin nya ang pagkakatingin sakin at kasabay nun ay ang paglakad nya papalayo kung saan tanging ang anino na lang nya ang tinatanaw ko. Hanggang tingin na lang..
"Kiry, tara na?", tanong ni Jonah.
Napatingin ako sa kanya at mapait na tumango't ngumiti. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at unti unti naring naghiwalay ang daan namin ni Jeng hanggang sa di ko na sya matanaw.
Pagkahatid ko kay Jonah ay nag isip akong muli at huminga ng malalim. Naisip ko ulit ang mga katagang sinabi nya. Ayoko syang pag usapan. Ayoko syang makita.
Daig ko pa ang nagbubuhat ng ref sa sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Gusto kong sumabog. Lapitan sya at kausapin. Pero anong magagawa ko? Ayaw nya ngang makita ni anino ko.
-----------------------------------------------------------------
"Speak when you are angry and you will make the best speech you will ever regret."
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...