Jane's Pov:
Lunch break na namin ngayon. Kasama ko si Kiry sa canteen. Nakaupo ako sa upuan habang sya nakapila. Syempre kailangan kong tuparin yung lunch na pangako sa kanya. So itong luto na lang ni mama yung kakainin ko. Oks lang. Mas masarap naman toh.
Napakabagal naman!
Tagal neto ni Kiry gutom na ko.
Sya nga pala, si Kiry, bestfriend ko yun since bata pa kami. Well, ngayon strong parin yung friendship namin.
Magka age lang kami. 15 na kami parehas. Obviously naman, magkaklase kami. Grade 10. Sa kabutihang palad first section kami.
Alam nyo ba, andaming beses na naming napagkamalang couple dito sa school. HAHAHA! Pero as if namang patulan ko yun. Pero mabait yun. Matangkad naman den. Moreno. Medyo matangos ang ilong at in fairness makinis ang balat. Patpatin nga lang.
Ako naman. Maganda syempre HAHAHAH! Joke lang. Matangkad ako. Tas matangkad. Tapos matangakad. HAHAHAHHA! Yun lang.
Oo na! Medyo may size ako. Medyo lang naman. Mahaba yung buhok ko. Hanggang pusod. Malabo den mata ko kaya nakasalamin ako. Tas medyo may pimples HAHAHHA!
BASTA MAGANDA KO! SA PANINGIN NG NANAY KO!
By the way, antagal na talaga ni Kiry ah. Nadaganan na ata mga pagkain yon.
Habang inaantay ko sya, may nakita kong lego which reminds me of something.
-------------- 10 years earlier ---------------
Nanonood kami ni mama ng tv non sa sala tas may narinig kami na sasakyan na huminto sa may katabing bahay namin.
"Oh andyan na ata yung bago nating kapit bahay", sabi ni mama na mukang excited.
Lumabas kami ng bahay at nakita namin ang isang babae na ka age siguro ni mama at isang lalaki na mukang kasing edad ko din na naglalabas ng mga gamit mula sa isang taxi.
"Magandang araw!", syempre friendly ang mudra ko HAHAHA! "Welcome sa street namin!", sabi ni mama habang kumakaway.
"Salamat... Ako nga pala si Lovely Lopez. Eto anak ko si Kiry. Mag hi ka anak", sabi nung bago naming kapit bahay.
"Hello po", matipid na sabi ni Kiry.
"Hello Kiry, ako si Amara Jane Bernardo. Sya yung mama ko, si mama Janice. Yung papa ko nasa ibang bansa nagwo work. Ikaw nasan yung papa mo?", ususera kong tanong.
"Ahh.. Wala na syang papa baby palang sya", sabi ng mama nya.
"Ayy, sorry beh. Talaga tong anak ko napakadaldal", sabi ni mama habang pinipisil yung pisngi ko.
"Okay lang beh. HAHAHAHA!", sabi nya habang nilabas yung huling bag mula sa taxi.
"Salamat po kuya", sinabi nya nang mabayaran ang taxi at umalis na din agad ito.
"Sige beh tulungan na kita", sabi ni mama kay tita. "Nak, pasok muna kayo ni Kiry sa bahay. Dun muna kayo magplay. Tutulungan ko lang si tita Lovely mo", sabi ni mama samin ni Kiry.
"Uy salamat beh ah".
"Ano ka ba ok lang. Sino pa bang magtutulungan diba? Sige na mga anak, akyat na kayo", sabi ni mama kaya inaya ko na si Kiry paakyat.
"Tara na!", umakyat na kami papunta sa kwarto ko.
Habang naglalaro kami ng lego sa sahig ay nag usap kami...
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
