Jane's Pov:
6:00 na nang makarating ako sa meeting place naming dalawa. Hmmm... Wala pa sya. Eh.. Wala na sya sa kanila pag -lis ko ah. Saan pa kaya pumunta yon?
*beep*
Nagvibrate yung cellphone ko. Excited kong binuksan ito dahil akala ko si Kiry yung nagtext pero si Kim pala.
Ano girl? Kamusta?
Nagreply ako sa kanya ng:
Andito na ko pero wala pa si Kiry.Nagreply naman agad sya.
Antayin mo lang. Wag kang excited!
HAHAHAHAHA! OO NA THANK YOU. Ganyan na lang ang nireply ko sa kanya.
Pero asan na kaya si Kiry? Bakit kaya hanggang ngayon wala pa sya? Ichat ko ba? Hm! Baka mamaya isipin nya minamadali ko sya.. Wag na nga lang.
Sumandal na lang ako paharap sa fence at pinagmasdan ang view.
"6:38 na ah. Asan na ba yun?", napabulong ako sa sarili ko.
Para libangin ang sarili ko, nanood na lang muna ako ng videos sa phone ko. Mga kalokohan naming dalawa. Tawa ko ng tawa para kong timang.
Napahinto ako sa pagtawa nang may biglang tumabi sakin. Tinignan ko sya nun at tinago ang cp ko. Umusog din ako papalayo sa kanya.
Pero lumapit pa sya lalo kaya sinubukan kong umubo para paalisin sana sya pero ayaw talaga.
Lumipat ako ng pwesto at sumunod lang sya.
"Ano bang kailangan mo?", tanong ko sa wirdong lalaking yon.
Tumingin lang sya at ngumiti ng nakakatakot. Dahan dahan akong naglakad papalayo.
"Wag kang lalapit sakin", sabi ko habang naglalakad.
Tumawa sya at sinubukang lumapit. Tumakbo ako nagsisigaw ng tulong. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot ako. Napalingon ako sa likod at nakitang wala na ang humahabol sakin.
Nanginginig padin ang kamay ko sa sobrang takot. Parang naiiyak ako sa kaba. Biglang nag ring ang cp ko kaya sinagot ko ito.
"H-hello??". Halata padin ang nerbyos at kaba sa boses ko.
"Jeng, anak... Nasan ka?", sabi ni mama na para bang umiiyak.
Halos naisantabi ko ang nerbyos ko sa nangyari kanina dahil sa boses na narinig ko mula kay mama.
"Ma? Ok ka lang po ba? Umiiyak ka po ba?", tanong ko.
"Anak... Ang papa mo...", panimula nya.
Natigilan ako. Napalunok.
"A.. A.. Anong meron kay papa, ma?".
Tanong ko. Nagsimula nang maggaralgal ang boses ko habang hagulgul lang ni mama ang naririnig ko.
"Ma?!", sabi ko habang umiiyak na.
"Umuwi ka na. Sasabihin ko na lang sayo pag uwi mo".
"Opo uuwi na ko..", sabi ko at pinatay na ang tawag.
Diyos ko! Anong nangyare kay papa? Hindi ko ma alam ang gagawin ko.. Kailangan ko nang umuwi pero wala padin si Kiry ngayon.
Gusto ko na umuwi pero natatakot ako na baka mamaya may lalaki na namang tumabi sakin at habulin ako. Ano bang gagawin ko?
Huminga ako ng malalim at nagpunas ng luha. Binuksan ko ang phone ko at nilagay sa contacts.
Tatawagan ko ba sya o hindi?!
Napailing na lang ako at pinindot ang call. *kriiiiiing*
Nagriring lang ang cp nya. Halo halong emosyon na ang bumalot sakin. Kaba, nerbyos, takot... Lahat na.
Habang nakatapat sa tenga ko ang phone ko ay napalingon lingon ako sa paligid at nagkataong napukaw ng atensyon ko ang dalawang taong nasa gilid ng kalsada.
Magkayakap silang dalawa. Napunta sa kalangitan ang atensyon ko nang biglang may patak ng ulan ang tumulo sa ilong ko.
Napatingin muli ako sa dalawang taong iyon. Naghiwalay na sila ng pagkakayap at parang namumukhaan ko ang dalawang iyon.
Pinilit kong kilalanin ang mga mukha nila at tanawin sila mula sa malayo at nabigla ako nang mapagtantong ang magkayakap kanina na iyon ay sina.. Sina Jonah at Kiry...
Natigilan ako sa pag iyak at kasabay nito ang paglakas at pagdami ng mga patak ng ulan na bumabagsak. Naibaba ko mula sa tenga ang cellphone ko. Ang puso ko, para bang nalaglag sa balong walang hanggan.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang kirot. Nakita kong kinuha nya ang cellphone nya at sinagot ang tawag ko.
"Hello? Jeng?".
Narinig ko ang boses nya mula sa phone ko. Nanginginig kong naiangat ang phone ko pabalik sa tenga ko.
Napabuntong hininga ako ng malalim at mukhang narinig iyon sa tawag.
"Jeng... Galit ka ba? Sorry kung late ako.. Nasan ka na ba? So-".
"Nasan ka?", tanong ko. Napalunok ako. Pinipilit kong maging kalmado ang boses ko.
"H-ha? Ako..".
Sandali.. May napansin ako.. Ang kwintas! Yung kwintas na yon! Yung kwintas na suot ni Jonah, katerno nung kwintas dati na laging sinusuot ni Kiry. Lalong bumigat ang dibdib ko sa nakita ko.
"Sabi ko nasan ka?".
"Sorry talaga Jeng. Please, magpapaliwanag ako-".
"Kiry, tinatanong ko kung nasan ka. Pwede ba sagutin mo na lang yung tanong ko?!", napasigaw na ko sa sobrang inis.
"Malapit na ko sa meeting place naten.. Tatlong kanto na lang andun na ko. Papunta na ko. Ikaw ba asan ka na? Andyan ka pa ba? Kung andyan ka pa, hintay-".
"Wag na! Wag ka nang pumunta", sabi ko at pinipigilan ang sariling umiyak.
"Ha? Teka nga.. Amara nasan ka ba? Papunta na nga ako.. Hintayin mo lang ako".
"Hindi na Kiry... Umalis na ko.. Wag ka nang pumunta. Wag ka na ding magpakita sakin kahit na kailan. Wag na!", sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Nagsimula na ang sunod sunod na pagpatak ng luha saking mga mata. Yung tipong nagpapaligsahan ng bilis at dami ang patak ng mga luha ko at patak ng mga ulan.
Nakita ko si Kiry na nagtatangka nang tumakbo para siguro hanapin ako pero hinawakan sya ni Jonah. Lumapit si Jonah sa kanya at muling niyakap.
Niyakap sya nito ng mahigpit. Napahawak muli ako saking dibdib. Para bang ang hirap huminga. Parang ang lalim ng paghuhugutan mo bago mo maibuga.
Ang sakit. Sobra. Parang dinudurog yung puso ko. Nanghihina ako. Napatingala ako sa langit at sinalubong ang mga pumapatak na ulan.
Ang dilim ng ulap. At hindi lang ulap ang nagdilim kundi pati na ang paningin ko. Napahawak ako sa noo ko. Kinusot ko ang mga mata ko at nagbakasakaling lilinaw ito pero hindi.
"Ahh...".
Sinubukan kong humakbang pero imbes na makausad ay nanlambot ang katawan ko at tuluyan nang bumagsak. Napahiga ako saking kinatatayuan kanina.
Bago pa tuluyang mawala ang malay ko ay nakita ko sila Kiry at Jonah na naglalakad papalayo habang nakapayong... Hindi pala ako ang papayungan nya. Sana pala nagdala na lang ako ng payong.. Tama si Kim.
-----------------------------------------------------------------
"You feel your strength in the experience of pain."
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
Teen FictionAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...