Kiry's Pov:
Ahhh... Kagigising ko lang. Ang sarap sa pakiramdam. Naalala ko ulit yung nangyari kagabi. Napangisi tuloy ako.
Nakatulog kasi si Jeng sa kotse kaya binuhat ko sya. Medyo mabigat hahaha. Kahit may panis na laway sya ang cute parin nya. Maitext ko nga.
Good morning! Kumain ka na ba? Bago ka kumain, maghilamos ka muna ha? Ang bigat mo pala talaga! HAHAHHA! Mamaya na lang...
Napangisi ako. Excited na ko para mamaya. Paano kaya ko aamin sa kanya?
Bumangon na ako at nagsimulang mag ayos. Niligpit ko ang higaan ko at dumiretso na sa banyo para maghilamos.
Nagluto ako ng itlog at may natira pa namang kanin kagabi kaya yun na ang kinain ko.
Umalis na si mama. Ang aga naman..
Mag isa lang ako sa bahay kaya naghubad ako matapos maghugas. Mainit kase. Tsaka pagpapawisan ako pag naglinis ako.
Pumasok ulit ako sa cr para umihi at nang papalabas na ko ay naalala ko ang nangyari samin ni Jeng nung nakaraan. Yung pumasok sya bigla at nakita nya kong nakahubad. Natawa tuloy ako.
Habang naglilinis ako, may naririnig akong ingay mula sa bahay nila Jeng. Mukhang nagpapatugtog sya at sinasabayan nya ng kanta.
"O ano ba ang nadarama.... Wag nang paligoyligoy-ligoy... paligoyligoy pa....".
"Hahahaha! Talaga to si Jeng. Mas malakas pa bunganga sa speaker".
Sinilip ko ang bahay nila ni Jeng sa bintana namin at nakita kong sumasayaw sayaw pa sya. Natawa ako ng bahagya sa ginagawa nya. Ang cute mo talaga..
Nagpatuloy na ako sa paglilinis. Mabilis nga lang ako natapos eh. Di naman kase kalakihan ang bahay namin tsaka isa pa, dalawa lang kami ni mama dito kaya wala namang nagkakalat.
Pagkatapos ko maglinis ay naligo na ako ng napakatagal. Lahat ng parte ng katawan ko kinuskus ko. Nag toothbrush ako ng paulit ulit. At nang makuntento na ko, nagtwalya na ako at umakyat.
Halos mabaliktad ko na ang buong bahay namin pero wala akong makitang damit na magustuhan ko.
"Ano ba naman tong mga damit ko? Ang papangit!".
Kinuha ko ang pants ko at long sleeves ko na puti.
"Hays! Buti na lang, kahit anong pangit ng damit ko, nadadala parin ng gwapo kong mukha".
Nagbihis na ako at nag ayos ng buhok. Habang nag aayos ay nagring ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.
"Huh? Bat kaya tumatawag to si mama?".
Sinagot ko ang tawag nya habang patuloy na inaayos ang buhok ko.
"Ma?", sabi ko.
"Nasan ka ngayon?", tanong nya.
"Bahay po", sagot ko.
"Pumunta ka daw muna kila Ate Beth. Marami daw costumers sa kanila ngayon. Tulungan mo muna sila don".
"Po? Aalis ako ngayon ma eh", daing ko.
"Bakit? San ka pupunta?".
"Ahh.. Ano po.. May pupuntahan po kasi kami ni Jeng mamaya".
"Ahh.. Ganon ba? Sabihin ko na lang kay Jengjeng na di ka na makakasama o kaya male late ka".
"Po?! Wag na ma! Anong oras po ba pupunta kila Ate Beth?".
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Book 1)
TienerfictieAmara Jane Bernardo and Kiry Lopez are childhood best friends. Amara was only teasing Kiry to his longtime crush, Jonah, until she realized that she was already falling in love with her best friend. Kiry felt the same but it was too late because Ama...
