Chapter 57: Unsuccessful Plan

37 10 0
                                    

Jane's Pov:

Matapos naming magpicture ay bumalik na kami sa loob. Hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako. Lalo na 'pag magkasama sila Kiry at Ashley. Pakiramdam ko'y chinachansingan nya si Kiry. Hahaha!

Pero.. Eh ano naman pala sa'kin kung nagchachansingan sila? Hindi naman kami. Hays! Magtigil ka na nga Amara!

"Sayaw ulit tayo?", tanong nila Kim sa'kin.

"Mamaya na ako", sabi ko naman at umupo.

"Malapit na matapos oh.. Sige naaa!", pagpilit nila.

"Ayaw ko na talaga.. Pagod ako", sabi ko habang umiiling.

"Sige hayaan nyo sya kung ayaw nya. Ikaw ba Kiry?", sabi ni Ashley.

Psh! Here she goes again...

"Ayoko", sabi nya at biglang umupo sa tabi ko.

"Sige, tara na nga!", sabi ni Ashley at umalis na sila.

Naiwan kaming dalawa ni Kiry sa table. Nakangalumbaba lang ako sa table. Ewan, wala 'ko sa mood.

Napatingin ako kay Kiry. Hindi ko alam na nakatingin sya sa'kin kaya't iniwas ko agad ang tingin ko. Uminom muna sya bago nagsalita.

"Bakit hindi ka sumayaw?", tanong nya.

"Wala.. Pagod lang", sabi ko naman at umayos ng upo. "Ikaw?".

Umayos rin sya ng upo. "Wala lang. Nakakatamad".

Tinignan ko ang mga kaklase kong sumasayaw. Para silang nasa bar. Hahaha! Lalo na 'tong mga babae na toh. Kembot kung kembot.

"Ang saya nila, 'no?", sabi ko kay Kiry pagkaharap sa kanya.

Ngumisi sya. "Ganyan naman talaga yang mga yan".

Biglang naging romantic ang tugtog. Napahinto ako. Ang ganda ng tugtog.

I found a love for me

Oh darling, just dive right in and follow my lead

Kahit di ko alam yung kanta, napapasway ako sa ganda ng tono.

Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me


Napatingin ako non kay Kiry. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakitang dahan dahan syang napatingin sakin. I cleared my throat..

Aayain ko ba 'tong sumayaw o ano? Parang ang panget kung ako mag-aaya.. AISH! Bahala na!

"Jeng?".

"Kiry?".

Sabay kaming nagsalita. Natameme ako. Mukhang aayain nya ako. Whaaa! Self kumalma ka!

"B-baket?", tanong ko.

"Pwede ba tayong-".

Maybe This Time (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon